SPECIAL CHAPTER: (Violet's P.O.V) Halos puno naman ang venue ang resort na pagmamay-ari ni Kyle na pinagdarausan ngayon ng party. Ngayong araw na ito ang binyag ni baby Kysler at dito sa resort ang reception ng binyag. Lahat ng mga bisita ay magpapalipas ng isang gabi rito sa resort. Kyle reserved the whole resort for today's event. Hindi ko naman mapigilang mangiti habang nakatingin ngayon kay baby Kysler na 8 month old na at ngayon ay karga ng isa sa mga ninang niya at pinapalibutan pa ng iba niyang mga godparents. Actually, sobrang dami ngang god parents nitong si baby Kysler... particularly mga ninang. And those ninangs include Kathryn, Jastine, Stephanie, Thim, Allie Jane, Donnah Rose, Janelle, Darlene, at Patricia na kasama namin nina Hazel at Lauren sa cheering squad nung college. Ninang din ang triplets na pinsan nina kuya Kevin at Kyle na sina Arianne, Dianne, and Joanne. Naging ninong naman ni baby Kysler ang pinsang lalaki ni Kyle na si Aljay. Ninang din sina Julie A
Read more