Ang Unang Umaga ng Habambuhay May mga umagang hindi mo kailangang magmadali. Hindi kailangang tumakbo. Hindi kailangang lumaban. May mga umagang gigising ka na lang at mararamdaman mong— Ito na ‘yon. Ito na ang buhay na ipinaglaban mo. Nagising ako sa mahinang tunog ng ulan. Dahan-dahan ang patak sa bubong ng bahay. Parang may sariling musika ang langit. Nakayakap ako sa dibdib ni Zach, at gaya ng dati, una kong narinig ang tibok ng puso niya. Matatag. Sigurado. Buhay. Ngumiti ako. Hangga’t naririnig ko ang tunog na ‘yon, alam kong ligtas ako. Pero bago pa ako tuluyang makapagnilay, bumukas ang pinto ng kwarto namin. “Mommyyyyy…” Kasunod ang mas malakas na boses. “Daddy!” Napailing ako. “Good morning, world,” bulong ko. Umakyat si Zeus sa kama na parang may misyon sa buhay. Sumunod si Zoey, mas maingat, pero parehong sabik. “Mommy, may baby pa ba diyan?” tanong ni Zeus habang hinahawakan ang tiyan ko. Natawa ako. “Wala na. Lumabas na si baby sister, remember?”
Read more