Kanina pa ako palinga linga, hindi ko pa rin makita ang anino nang batang 'yon. Ano kayang trip niya, bakit siya biglang umalis. Para naman kasing sawa 'to si Tanya, ayaw yata akong bitawan. Tinanong ko lang naman kung kamusta ang bakasyon niya rito sa resort ko, ayaw na akong pakawalan. Kani kanina lang gusto niya kay Clark sumama, tapos ngayon naman halos ayaw niya nang pansinin 'to. Ganyan ba talaga silang mga babae napaka moody, sala sa init sala sa lamig. "Tanya, nice meeting you. But I have to go. I need to do something important." wika ko sabay alis nang kamay nito sa braso ko. Mamaya may maka kita pa sa'amin at isipin pang girlfriend ko siya. "Ahm! Kiefer, pwede mamaya na lang?" malanding tanong nito at tila inaakit pa ako sa lambing nang boses niya. "Huh! Hindi kasi pwede talaga. Pasensya na!" saad ko. Gusto ko na kasing umiwan rito. Kung pwede ko lang 'tong sigawan, dahil kanina pa ako naaalibadbaran sa mukha niya at sa mga kinikilos niya. Kaso hindi ko pwedeng gawin '
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-01-18 อ่านเพิ่มเติม