Hindi nagawang pahintuin ng nangyaring komosyon ang selebrasyon, sa halip ay binago lang ni Wilfredo, ang pinuno ng pamilya Silva ang titulo ng pagdiriwang na iyon bilang pagkilala sa kasintahan ni Catriona.Kakaiba man kung pakikinggan, at kalokohan man kung iisipin, pero hindi tumutol doon ang pamilya Acosta. Sa kabila ng nangyari sa pagitan ni Luther at ng pangkat ni Jared ay pinili ng mga itong manatili upang mas makilala pa nang husto ng mga ito si Luther at makahanap ng palatandaang mag-uugnay dito at sa pamilya nito.Para sa mga ito ay isa iyong oportunidad upang mas mapalapit sila sa isang pamilyang higit na makapangyarihan kaysa sa kanila.Matapos malaman hindi lang ng pamilya Acosta, kung hindi lahat ng taong naroon na nagmula si Luther sa pamilya Rutherford sa America, nagsimula ang mga itong pagalawin ang kani-kanilang mga intel upang alamin kung sinong pamilya Rutherford ang tinutukoy nito.Ngunit bigo ang mga itong maiugnay si Luther
Dernière mise à jour : 2026-02-01 Read More