Zia’s POV“The hell I will divorce you!” inis niyang sigaw habang nakatingin sa akin. May hindi siya makapaniwalang reaksyon. Namumula ang kaniyang mukha at halos bumakat na ang ugat sa kaniyang leeg at noo. “Alam kong galit ka dahil nakita mo akong kasama si Katrina sa simbahan, sa halip na dalawin ko si tita, pero hindi ibig sabihin noon ay babanggitin mo na naman ang tungkol sa divorce.”Napailing ako. Hindi lang simpleng inis o galit ang nararamdaman ko ngayon. Handa akong hiwalayan siya kahit anong oras. Pagod na pagod na akong mahalin siya.“Sabihin mo, may nangyari ba sa inyo ni Katrina?” tanong ko nang walang paligoy-ligoy. “Please, I don’t want your liar ass. I want the truth, Ace.”“F*ck! Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo, ha?! Walang nangyayari sa aming dalawa ni Katrina,” asik niya, ngunit hindi siya lubos na makatingin sa akin. Halata ang hiya at guilt sa mga mata niya. Halos hindi siya makatingin sa akin ng diretso.“Noong gabi pagkatapos ng kasal nating dalawa, may na
Magbasa pa