Zia's POV“Bakit kailangan pang tingnan ang CCTV? Tinulak nga raw siya! Hindi ka ba naniniwala sa mismong pamangkin mo, Alexander? Bakit naman magsisinungaling si Masie sa harap ng pamilya natin? Hindi siya ganoong babae,” hindi makapaniwalang komento ni Tita Matilda at tiningnan niya ako nang matalim.“But we need to see it for ourselves. If she’s telling the truth, then we will talk it out.” Saglit na tumama ang tingin sa akin ni Uncle Zayn, pero agad din niyang iniwas ang tingin niya sa akin.“Hah, fine!” Hindi mapigilan ni Tita Matilda ang reaksyon at inutusan ang isang kasambahay na kumuha ng towel para balutin ang katawan ni Masie.“Take the CCTV footage. I want to watch what happened,” utos ni Uncle Zayn sa isang security guard. Mabilis namang tumango ang lalaki at sumunod sa utos niya.Nanatili akong tahimik at pinapanood ko lang kung paano ang halos lahat sa paligid namin ay kinukumusta si Masie, habang ang ilan ay tinanong naman ako kung ayos lang ako pero halatang napipilit
Magbasa pa