ISSA POV:Nagising ako kinabukasan na gulat na gulat, tumayo ako agad at dali daling kinuha ang aking cellphone. Naiiyak na akong dinadayal ang cellphone ko, naalala ko kasi and dalawa kong kaibigan.Nagtatakbo akong nagpalit ng damit, nakasuot lang kasi ako ng tshirt at panty. Sinuot ko ang damit na nakalagay sa sofa bed na nandito. Isa itong dress with matching sandal. Sinuot ko lahat ang mga nandito, hindi ko na alintana kung may makakita man sa akin.Kinuha ko rin ang aking bag na gamit kagabi at susi ng sasakyan, napasulyap ako saglit kay Satanas na nakatulog pala sa tabi ko kanina. Himbing na himbing ito, mukhang puyat na puyat siya.Nagdahan dahan akong umalis dito para hindi siya magising, gusto kong magalit sa kaniya dahil hindi ako ginising kagabi. Nanghihina ako sa isiping hindi man lang ako tinulungan, sabagay sino ba naman ako para humiling sa kaniya ng tulong diba.Nanggigigil ako ng pababa na ako ng hindi sumasagot ang aking mga kaibigan. Tawag ako ng tawag sa kanila pe
اقرأ المزيد