"Mauna na ako sa labas at ilagay ito sa sasakyan. Tatawagin ko si Landon para buhatin ang iba," ani ko. Marami siyang binili kaya nagkusa akong nagbuhat din. Naka ngiti akong lumabas habang bitbit ang mga pinamili nito."Kami na lang ni Landon ang magbuhat ng mga ito," pahayag niya kaya tiningnan ko ito ng masama."Sabi ko nga ikaw na lang," pahayag nito ulit ng sinamaan ko siya ng tingin.Naglakad ako palabas saka tinawag si Landon sa sasakyan. Pinasok nito ang hawak kong pagkain sa likuran. Nagtataka nga ako kung bakit iba siya kung tumingin sa akin."What's wrong? Tanong ko, hindi na kasi ako makatiis. Iba siya kung makatingin kaya naguguluhan ako sa lalaking ito."Ok lang ba sa inyo Sir na ilagay ko ito sa likuran ng sasakyan," pahayag nito."Siyempre alangan naman na sa harapan natin ilagay. Ayusin mo sa likuran at baka matapon," pahayag ko pa."Kasi Sir...ayaw mo namang palagyan yan ng pagkain dati pa kaya nagtataka ako kung bakit ok naman na ngayon," pahayag nito."Hindi ba pwe
اقرأ المزيد