Malaki ang mga perang kinikita ko dito lalo na sa tuwing may mga bisita kaming dumarating. Malaki sila magbigay ng mga tip, dali dali akong umakyat sa pangalawang palapag para dalhin ang inorder nilang alak. Halatang mayaman ang mga ito dahil sa alak na kanilang in order. Hindi basta basta ang alak na to, tiba tiba na naman ako nito kako sa aking sarili. Gusto ko na kasing makabili ng sarili kong sasakyan kaya nag iipon ako. Nahihirapan na kasi akong umuwi pagkatapos ng aking trabaho sa madaling araw dito sa bar. Isang taon na lang gragraduate na rin ako, konting tiis nalang ani ko sa aking sarili.Pagkarating ko sa taas, dumiretso ako sa sinasabi ng aking manager. Kumatok muna ako bago pumasok, nangunot ang noo ko ng makitang maraming mga naka itim ng damit na nakatayo. Sabay sabay silang napatingin sa akin ng makita nila akong papasok, nangilabot pa ako sa aura ng mga tao dito. Gwapo naman silang lahat pero napaka seryoso nilang tingnan."Served it here," ika ng isang lalaking naka
최신 업데이트 : 2026-01-18 더 보기