Hindi na lang ako umimik at nakinig na lang sa kanilang dalawa. Umiinom ako at kumakain habang nakikinig sa kanila. Saktong tumutungga ako ng alak ng marinig ko ang hindi ko inaasahan na marinig sa kanila kaya naibuga ko sa mukha nilang dalawa ang iniinom ko."M- may nangyari na sa amin ni Raven," ani Jasmin. Naibuga ko sa kanilang dalawa ni Khristel ang iniinom ko kaya mura ng mura itong si Khristel sa akin. Umubo naman ako ng sunod sunod dahil sa narinig. hindi ko pinansin ang pagmumura nila sa akin. Ang gusto kong marinig ay kung talaga bang may nangyari sa kanila ng Raven na kakilala ko. "Sinong Raven? Don't tell me si diyablo..." ani ko habang umuubo. Siya lang kasi ang alam kong Boss ni Jasmin na nagngangalang Raven.Tumitig ako sa kaniya at halos hindi kumurap. Gusto kong sabhin nito na hindi si Diyablo yun pero ng tumango siya muntik na akong mahulog sa aking kina uupuan."Tang ina naman Jasmin, bakit ka pumatol kay diyablo. Alam mo bang mas masahol pa yun sa demonyo," dakdak
Read more