Nakalapag na ngayon sa harapan ko ang mga ingredients. All purposes flour, baking soda, salt, butter, granulated sugar, brown sugar, egg, vanilla, mga chocolate chips mga bowl na rin at electric mixer. Sinimulan ko nang haluin ang mga ingredients at pagkatapos ay inilagay ko na sa oven at ilang minuto lang ay tumunog na ang timer hudyat na luto na ang mga cookies. Nagsuot na ako ng pot holder at kinuha na iyon sa oven, amoy na amoy ko ang bango, sigurado akong masarap talaga ito, may bread and pastry kami dati e at sinali ako noon sa mga pa-contest ng baking at mabuti't pinalad din ako kaya nananalo. Inilapag ko na sa lamesa ang mga cookies, iba't ibang hugis ito may hugis puso, may triangle, bilog, may oblong din. *CRRRAAAAACCCKKKKK!!* Napatalon ako sa gulat nang may marinig akong nabasag na mukhang galing sa sala. Mabilis naman akong naglakad patungo roon at nakita ko si sir na nakatayo roon habang nakatingin sa basag na vase at mga bulaklak na rosas na nakakalat sa sahig.
Read More