Napangiti ako ng palihim, e paano ba naman pagmulat ko palang ng mata ay bumungad agad sa akin ang mukhang ng gwapong nilalang sa harapan ko habang nakahiga sa braso niya, hindi ko lubos maisip na matatabihan ko siya sa pag tulog. Alas kwatro palang ng umaga kaya mahimbing pa ang tulog niya."Ang ganda ng umaga ko ngayon," mahinang bulong ko at sinundot sundot ang pisngi niya."Pero mas maganda 'tong nasa harapan ko ngayon,"dagdag ko at pinisil kaunti ang ilong niya. Napailing nalang ako sa aking ginawa, tama ka na Calia, sumusobra ka na sa ginagawa mo. Maingat kong inalis ang kumot at maingat din na bumangon upang hindi siya agad magising at para rin sana makapagsimula na ako sa aking trabaho ng maaga.Babangon na sana ako nang bigla niya akong hinila at niyakap ng mahigpit kaya napahiga ulit ako pabalik sa kama, napalaki naman agad ang mata ko sa gulat. "Stay here," malamig na utos niya. Naalala ko ang sinabi ko kanina, baka narinig niya 'yon at nagising siya. Mabuti at medyo ma
Read more