Chapter 24 Narrator's POV Lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Nanligaw ulit si Ivan kay Maxine. Ginagawa niya ang lahat para makuha ulit ang tiwala at ang buong pagmamahal nito. "Max, mukhang blooming ka ngayon ah, nadiligan ka ata." biro ni Meg. "Tigilan mo nga ako. Ikaw nga itong dapat na kinukumusta diyan eh, ilang buwan na nga yang tiyan mo?" tanong ni Max sa kaibigan. "Five months na. At healthy naman ang inaanak mo." sabi ni Meg. "Inaanak ka diyan. Dipende pa yun kung maganda ang iaanak mo, baka tanggapin ko pa. Pero kapag kamukha mo, ayoko maging ninang niyan." "At bakit naman? Maganda naman ako ahh!" "Shhhh... Huwag kang magsinungaling. Naririnig ka ng bata." "Ang bad mo talaga!" "Alam mo namang kaibigan mo ako, kaya nagsasabi lang ako ng totoo." "Oo na nga lang, sige na." nagkatawanan na lang sila at sabay na naglakad. Four months later.. "Wow, nandito na ang maganda kong inaanak. Kamukha ka ni ninang, pareho tayong maganda." tuwang tuwang sabi ni
Read more