" Calia po, Sir," anas ko at nag-bow sa kaniya."Totoo pong kasambahay rin ako," dagdag ko naman at tumango-tango ito.Nagulat naman ako ng bigla siyang tumawa.Jusko, ganito ba talaga ang Lolo niya."I see, wala namang problema sa pagiging kasambahay, marangal na trabaho naman iyon HAHAHAHAHAHAH." Tumawa na naman siya at nilagok ang shotglass niyang may lamang alak."Anyway, boyfriend mo ba si Ash? Hindi inaamin ng apo ko--" hindi natapos ang sasabihin ng Lolo niyang sumingit bigla si Sir Zach. "They're just friends," putol ni Zach. Tumango-tango ulit ang Lolo niya at tumingin sa akin na ngayo'y nakangisi na."Ah, yeah. Friends. Right, Calia?" tanong nito pabalik sa akin at hindi pa rin inaalis ang makahulugan niyang ngiti.Tumango nalang ako bilang sagot."O-opo Sir," agad kong sambit.Ano na naman 'yong ginawa ni Sir Zach, akala ko ba wala siyang pake? Mabuti't umalis si Tiffany kanina at kung narinig niya sigurong singit ng singit itong Fiancé niya baka nasabunotan na ako sa har
Read more