“Welcome, enjoy your night.” Nginitian ko naman ang bouncer at pumasok na sa loob ng bar. Magulo. Maingay. Marami ring nagsasayawan ang iba ay magkapartner halos maghalikan na sa sobrang dikit nila. Huminga ako ng malalim at dumiretso na sa counter. “One lady drinks.” Tumango ang bartender at mabilis na gumalaw. Ilang segundo lang, may basong may yelo na sa harap ko kumislap sa ilaw ng bar ang malinaw na likido. Kinuha ko iyon, pinisil ang gilid ng baso na parang doon ko ibinubuhos ang lahat ng ingay sa dibdib ko.Isang lagok. Mapait. Mainit. Kumapit sa lalamunan ko.Sa paligid, patuloy ang tawanan, ang salpukan ng mga baso, ang malalakas na tugtog na halos tinutulak ang puso ko para sumabay. May dumaan na magkasintahan sa likod ko nakapulupot ang braso ng lalaki sa baywang ng babae, bulong-bulungan, halatang wala nang pakialam sa mundo. Napatingin ako saglit, saka ibinalik ang tingin sa baso ko.“Isa pa,” sabi ko, mas matatag ang boses kaysa sa pakiramdam ko.Habang hinihintay ko,
最終更新日 : 2026-02-05 続きを読む