Kinagabihan, tahimik ang buong bahay. Tanging tunog ng electric fan at ang marahang pagtunog ng orasan sa sala ang maririnig. Nasa kwarto na ako, nakahiga sa kama habang pinagmamasdan ang kisame. Hindi ako agad dinadalaw ng antok. Siguro dahil sa dami ng nangyari ngayong araw. Mula sa pagdating ko, sa pagpasok sa bahay na ito, hanggang sa grocery na parang simpleng lakad lang pero para sa akin, isa na itong malaking pagbabago.Bumangon ako at muling lumapit sa terrace. Binuksan ko nang kaunti ang pinto at sumilip sa labas. Maliwanag ang buwan, tahimik ang paligid. May mga ilaw mula sa katabing bahay na tila maliliit na bituin sa lupa.Napangiti ako.Ilang buwan na rin mula nang huli akong makaramdam ng ganitong katahimikan. Yung hindi ka nag-aalala kung may mag-aaway, kung may sisigaw, kung may babasag ng gamit. Dito, parang may pahintulot kang huminga.Biglang may marahang katok sa pinto.“Gising ka pa ba?” boses ni Uncle Ben.“Opo,” sagot ko, sabay sara ng terrace door.Bahagya niya
Last Updated : 2026-01-20 Read more