“Bu... Buntis ako? Buntis ako?” garalgal na sambit ni Barbara.Nangilid na ang luha ni Barbara dahil sa nalaman niyang ito. Hindi niya gustong mabuntis nang dahil lang sa putik na gabing iyon. At hindi niya alam kung sinong ama nito. Pero, anong gagawin niya? At paano na ang pangarap niya para sa kaniyang mga kapatid?Pinahid ni Barbara ang kaniyang luha. Inayos niya ang sarili, saka siya lumabas. Umupo siya sa upuan at pilit na ngumiti sa doktora.“Ano pong resulta, Ms. Gomez?” ngiti na tanong nito sa kaniya.Ipinakita ni Barbara ang pregnancy test. “Buntis po ako.”“Congratulations at mommy ka na. And you are two months pregnant based on your last menstruation. Pero, dahil ang BP mo ay 90 over 60 ay kailangan mong magtake ng vitamins upang sa gayon ay tumaas ang BP mo. Kumain ka rin ng mga masusustansyang pagkain like broccoli, cauliflower, carrots, at mga green leaves. Then, balik ka rito for your check up,” masayang pahayag ng doktora, ngunit wala siyang naintindihan ni isa dahil
آخر تحديث : 2026-01-21 اقرأ المزيد