Share

Chapter 2

Penulis: Genie
last update Terakhir Diperbarui: 2026-01-21 06:50:55

“Bu... Buntis ako? Buntis ako?” garalgal na sambit ni Barbara.

Nangilid na ang luha ni Barbara dahil sa nalaman niyang ito. Hindi niya gustong mabuntis nang dahil lang sa putik na gabing iyon. At hindi niya alam kung sinong ama nito. Pero, anong gagawin niya? At paano na ang pangarap niya para sa kaniyang mga kapatid?

Pinahid ni Barbara ang kaniyang luha. Inayos niya ang sarili, saka siya lumabas. Umupo siya sa upuan at pilit na ngumiti sa doktora.

“Ano pong resulta, Ms. Gomez?” ngiti na tanong nito sa kaniya.

Ipinakita ni Barbara ang pregnancy test. “Buntis po ako.”

“Congratulations at mommy ka na. And you are two months pregnant based on your last menstruation. Pero, dahil ang BP mo ay 90 over 60 ay kailangan mong magtake ng vitamins upang sa gayon ay tumaas ang BP mo. Kumain ka rin ng mga masusustansyang pagkain like broccoli, cauliflower, carrots, at mga green leaves. Then, balik ka rito for your check up,” masayang pahayag ng doktora, ngunit wala siyang naintindihan ni isa dahil nakatulala siya.

“Nakikinig ho ba kayo, Misis? Ang sabi ko ho ay balik kayo rito for check up at kumain kayo ng masusustansyang foods at iwasan ang mga pagkaing bawal like soft drinks at junk foods,” saad pa nito.

“Sige po, Doktora, salamat po,” tugon ni Barbara.

Umalis na si Barbara at hindi niya alam kung paano siya nakasakay sa jeep papasok sa trabaho.

“Parang ang putla mo?” wika ni Olgana na dinama pa ang noo niya. “Umuwi ka na dahil alam kong masama pakiramdam mo. At huwag mong sabihing nasasayangan ka na naman sa susuwelduhin mo. Alalahanin mo na health is wealth at mahahanap ang pera. Sige na, uwi ka na,” dagdag pa ni Olgana.

Masama talaga ang pakiramdam ni Barbara dahil nga buntis siya. At hindi pa siya handang sabihin kay Olgana ang totoo.

Nagpaalam si Barbara sa kanilang manager at pinayagan naman siya. Nagpasalamat pa siya dahil ibinigay na ng coordinator ang kaniyang suweldo. Gusto ko pa sanang mamalengke, pero umuwi na siya dahil iba talaga ang pakiramdam niya, ngunit nakabusangot si Tiya Imelda sa kaniya.

“O, ba’t ang aga mong umuwi, ha? Daig mo pa ang supervisor ninyo,” gagad ni Tiya Imelda.

“Masama ang pakiramdam ko, Tiya. Kaya umuwi ako,” nanghihinang sagot ni Barbara.

Ibinigay ni Barbara ang kalahati ng suweldo sa kanila at dumiretso siya sa kuwarto at nagpalit ng uniporme nang sumunod si Tiya Imelda sa kaniya at nakita ang nahulog na pregnancy test mula sa bulsa at pinulot iyon.

“Pregnancy test?” sambit ni Tiya Imelda, dahilan upang kabahan si Barbara. “Buntis ka, Barbara? Buntis ka!” sigaw pa nito. Dahan-dahan na tumango si Barbara at nagulat siya sa malakas nitong sampal. “Walang hiya ka! Ang landi mong babae at talagang katulad ka ng nanay mong p****k!” bulalas nito at kung saan-saan dumadapo ang kamay nito sa parte ng katawan ni Barbara. “Sabihin mo kung sinong ama, sabihin mo!” asik pa ni Tiya Imelda.

“H-Hindi ko po alam... hindi ko po alam,” humihikbi na sambit ni Barbara.

“P*****a ka! Bumukaka ka at nagsarap ka, pero hindi mo alam kung sinong ama ng pinagbubuntis mo! Sinong niloloko mo at gagawin mo pa talaga akong tanga!” muling bulalas ni Tiya Imelda at pinagsasampal ang bunganga ni Barbara.

“Inay, tama na at nasasaktan na si ate!” saway ni Tally.

“Bitawan mo kamay ko, Tally at bubugbugin ko ang talanding ito! At talagang binigyan pa niya tayo ng kahihiyan! Animal kang babae ka at talagang gugulpihin kita!” sigaw ni Tiya Imelda kay Barbara at kinuha ang nakasabit na sentron.

“Huwag, Tiya, huwag!” umiiyak na protesta ni Barbara at tinakpan niya ang kaniyang puson upang hindi ito matamaan.

“Lumayas ka ritong babae ka kung ayaw mong mapatay kita! Lumayas ka!” muling sigaw ni Tiya Imelda at pinagsesentron si Barbara sa binti, sa braso, at sa hita.

“Tama na po!” nagmamakaawang sambit ni Barbara.

Kinuha ni Barbara ang kaniyang backpack at ilang uniporme, saka niya isinilid rito. At ang likod naman niya ang pinagsesentron ni Tiya Imelda at bawat dantay ng sentron na iyon ay siya ring pagpatak ng luha niya. Hindi sana ito mararanasan ni Barbara kung buhay pa ang kaniyang itay at hindi siya iniwan ng kaniyang nanay.

“Ate, tumakbo ka na!” sigaw ni Tally at hinawakan nito si Tiya Imelda.

“Babalikan ko kayo, Tally! Babalikan ko kayong mga kapatid ko!” humihikbi na sambit ni Barbara at patakbo siyang lumabas.

Hindi na lumingon pa si Barbara, pero ang sama-sama ng loob niya dahil ang lagi nilang nakikita ay ang kaniyang pagkakamali. Dahil ba hindi nila siya tunay na anak at kadugo?

Sumakay si Barbara sa jeep at dalawang sakayan ang patungo sa kapatid ng kanyang ina.

Ikinuwento ni Barbara ang lahat sa kanila at nagpapasalamat siya dahil naiintindihan siya ng mga ito.

Lumipas ang kabuwanan ni Barbara at nagsilang siya ng babaeng sanggol at pinangalanan niya itong Bridget. Nagleave siya sa trabaho at pinayagan naman siya ng manager ng mall. Patuloy rin si Barbara sa pagbibigay ng sustento sa pamamagitan ni Olgana at ibinibigay nito iyon sa kapatid niyang si Tally.

Sa paglipas pa ng buwan, at ng taon at ngayon ay apat na taon na ang anak ni Barbara na si Bridget. Malaki ang pasasalamat niya sa kaniyang tiyahin dahil ito ang nag-aalaga kay Bridget. Ngunit, inatake ito ng sakit at komplikasyon na pala ito na siyang dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

“Sa’n po tayo pupunta ngayon, Mama?” tanong ng anak ni Barbara sa kaniya.

“Diyan lang, anak. Hahanap si mama ng trabaho, iyong kasama kita,” ngiti ni Barbara at hinaplos-haplos niya ang buhok nito.

Kinuha ni Barbara ang malaking backpack. Binuhat niya si Bridget at sumakay sila sa traysikel dahil sa subdivision sila pupunta, sakaling may makita siyang puwedeng pagtrabahuhan. Mas okay sana kung katulong, basta’t kasama niya ang kaniyang anak.

Bumaba na si Barbara at si Bridget at ibinigay niya ang bayad sa traysikel drayber. Sana nga ay makahanap siya ngayong araw na ito para may matuluyan na agad silang mag-ina. Nilapitan nila ang guard sa malaking gate, at hindi raw sila hiring. Naglakad-lakad pa si Barbara at ang kaniyang anak, ngunit akala ng iba ay nanlilimos sila at nagbigay pa sa kanila ng bente pesos.

“Mama, gutom na po ako,” saad ni Bridget na hinaplos ang tiyan. Magtatanghalian na pala at hindi namalayan ni Barbara ang oras.

“Hetong biscuit, anak. Pasensya ka na dahil wala pang nahahanap si mama na trabaho, ha,” sambit ni Barbara at binuksan niya ang biscuit. Naaawa siya sa kaniyang anak, pero kailangan niyang lakasan ang kaniyang loob.

“Makahahanap din po kayo, Mama. Pero, Mama, nasaan po ba papa ko? Sabi po ng mga kalaro ko, nasagasahan po ng tren at lumabas po ang mata ng papa ko. Totoo po ba ‘yon at patay na po ba siya?” tanong ni Bridget, dahilan upang mapalunok si Barbara.

“Hndi, Anak. Nasa malayo lang si papa at nag-abroad siya,” sagot ni Barbara dahil hindi naman puwedeng sabihin na oo, dahil hindi naman siya siguradong patay na nga ang lalaking nakabuntis sa kaniya. Baka, kasi sa paglaki ni Bridget ay hahanapin nito ang kaniyang papa.

Naglakad-lakad pa si Barbara at si Bridget at pangbentena bahay siguro itong hinintuan nila dahil may nakapaskil na wanted housemaid. At halos tumalon si Barbara sa tuwa. Nagdoorbell siya at may lumabas na babaeng katulong.

“Mag-a-apply ka, Miss?” agad na tanong nito sa kaniya.

“Opo,” mabilis na sagot ni Barbara.

“Pasok ka at tamang-tama dahil nandiyan pa tatay ng amo natin,” ngiti nito.

“Kasama ko po anak ko,” saad ni Barbara.

“Oo, okay lang ‘yan, kaya bilisan mo at malaki susuwelduhin mo rito dahil wala pang kalahating araw kasi ay nagsi-back out na mga nag-apply rito at pangsingkuwenta ka na sa mga nag-apply, kaya problemado ang matandang don,” imporma nito dahilan upang magsalubong ang kilay ni Barbara. But, never mind.

Pumasok na sila sa loob ng malaking bahay at naabutan nila ang matandang lalaki na nag-aayos ng suitcase. “Don Joseph, may aplikante po tayo,” saad ng babae at umalis na ito sa harapan nila.

“Hello po, Lolo,” bati ni Bridget, pero ngumiti lang ang matandang don.

Kinuha ni Barbara agad ang resume sa loob ng bag at medyo nagusot-gusot ito at ibinigay niya ito kay Don Joseph, pero hindi ito kinuha.

“No need dahil tanggap ka na, Hija at 30k ang salary mo,” nakangiti na pahayag ni Don Joseph kay Barbara, dahilan upang hindi siya makapaniwala.

“T-Talaga, Sir? Pero, kasama ko po anak ko rito sa bahay ninyo dahil wala pong mag-aalaga sa kanya at—”

“Walang problema sa akin kung kasama mo anak mo dahil may maid’s quarter naman tayo. But, make sure na hindi magulo ang anak mo,” pahayag pa ng don, kaya naman lalo na natuwa si Barbara. “Pero, hindi lang pagiging maid ang trabaho mo rito. At kung tatanggapin mo’y dadagdagan ko ang suweldo mo at bibigyan pa kita ng house and lot at pera kung magawa mo ang utos ko,” sambit pa nito, dahilan upang manlaki ang mga mata ni Barbara dahil pagkakataon na niya para may matirhan silang mag-ina at makukuha rin niya ang kaniyang mga kapatid dahil malupit ang kaniyang madrasta.

Pero, hindi ba nagbibiro ang matandang don na ito?

“A-Ano... pong ibig ninyong sabihin, Sir?” takang tanong ni Barbara.

“Just call me, Don Joseph na lang dahil hindi naman talaga ako ang amo mo at pasulpot-sulpot lang din si Mona, iyong babae kanina. Pero, tinatanggap mo ba alok ko?” tanong nito dahilan upang tumango si Barbara. “Para makasigurado ako at wala na itong atrasan dahil sa ‘yo ko lang ito in-offer to make sure na hindi mo iiwanan ang trabaho rito. At ito ang kasunduhan natin para hindi mo sabihing nagbibiro ako. Read it carefully and sign the agreement papers. At ibigay mo ang isang kopya sa akin,” sambit ng don at ibinigay kay Barbara ang dalawang dokumento at ballpen.

Kabado na binasa ni Barbara ang agreement nila at tumaas ang kaniyang kilay dahil may nakalagay ritong ‘son’ . Pinirmahan niya ang mga ito at ibinalik niya ang isang kopya. “Tapos na po, Don Joseph.”

“Okay, then come with me,” saad ng don.

Naglakad ito at lumiko patungo sa gilid ng malaking bahay at sumunod naman si Barbara, kasama ang anak niya at nakita nila ang lalaking naka-wheelchair. At kahit naka-side view ito ay parang kilala ni Barbara. Pero hindi siya matandaan kung saan ito nakita.

“Siya si Sixto at bunso siya sa apat na anak ko. Due to a car accident ay nagkagan’yan siya,” imporma pa ni Don Joseph.

“Ano pong gagawin ko sa anak ninyo, Don Joseph?” kabadong saad ni Barbara dahil may nabasa siya sa agreement at hindi na niya alam ‘yong iba dahil nga english.

“Nagkaroon ng erectile dysfunction, hindi na siya tinitigasan ang anak ko. At dahil do’n, gusto kong akitin mo siya at gapangin ang anak ko. At araw-araw mong hawakan ang alaga niya upang sa gayon ay manumbalik ang katigasan niyon. And have sex with him,” maawtoridad na pahayag ni Don Joseph, dahilan upang mapaawang ang labi ni Barbara.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The CEO Is My Baby Daddy   Chapter 3

    “I... Iyon po ba ang nakalagay sa agreement natin, Don Joseph na hawakan ko ang alaga ng anak ninyo?” napalulunok na sambit ni Barbara.Dapat pala ay ipinatagalog niya na sa kanila ang mga nakasulat doon para hindi na siya magtanong ng ganito. Sino ba naman kasi ang may gusto na araw-araw mong hawakan ang patintin ng isang lalaki? Kaya pala nagsi-back out ang mga nag-apply rito.“Oo, Barbara. Iyon ang nakalagay sa agreement natin that you will hold and touch my son’s c*ck. Mayroon pang blow job roon, kaya much better na iyon ang gagawin mo para lang tumayo at tumigas ang pagkalalaki niya. At kung sakaling mas higitan ang ipinagagawa ko ay dadagdagan ko ang sahod mo sa iyo. But, make sure na titigasan talaga siya at babalik ang kahiligan niya sa sex. Kaya, umpisahan mo nang gawin iyon ngayon. At sana ay mapaamo mo ang anak ko, kaya bahala ka na kung anong gagawin mong teknik,” mariin na pahayag ng matandang don sa kanya, kaya naman ilang beses siyang lumunok.“H-Hindi na ba puwedeng um

  • The CEO Is My Baby Daddy   Chapter 2

    “Bu... Buntis ako? Buntis ako?” garalgal na sambit ni Barbara.Nangilid na ang luha ni Barbara dahil sa nalaman niyang ito. Hindi niya gustong mabuntis nang dahil lang sa putik na gabing iyon. At hindi niya alam kung sinong ama nito. Pero, anong gagawin niya? At paano na ang pangarap niya para sa kaniyang mga kapatid?Pinahid ni Barbara ang kaniyang luha. Inayos niya ang sarili, saka siya lumabas. Umupo siya sa upuan at pilit na ngumiti sa doktora.“Ano pong resulta, Ms. Gomez?” ngiti na tanong nito sa kaniya.Ipinakita ni Barbara ang pregnancy test. “Buntis po ako.”“Congratulations at mommy ka na. And you are two months pregnant based on your last menstruation. Pero, dahil ang BP mo ay 90 over 60 ay kailangan mong magtake ng vitamins upang sa gayon ay tumaas ang BP mo. Kumain ka rin ng mga masusustansyang pagkain like broccoli, cauliflower, carrots, at mga green leaves. Then, balik ka rito for your check up,” masayang pahayag ng doktora, ngunit wala siyang naintindihan ni isa dahil

  • The CEO Is My Baby Daddy   Chapter 1

    “Oh, sige pa, sige pa!” nakikiliting sambit ni Barbara dahil dinidilaan ng kaulayaw niyang lalaki ang kaniyang clitoris patungo sa kaniyang butas.Sarap na sarap siya sa ginagawa nitong pagroromansa sa kaniyang katawan. Dahil virgin siya ay gusto niyang mag-explore sa sex dahil wala pa siyang karanasan.Pinagpatuloy ng lalaki ang paghimas sa kaniyang puke. Kagat-kagat nito ang kaniyang mani kaya naman halos maduling si Barbara sa sarap.“Ooohhh!” anas niya. Napasabunot si Barbara sa buhok nito dahil sa nararamdamang kiliti at sarap.“It’s really delicious,” usal ng lalaki at halatang-halata na nag-e-enjoy ito sa kaniyang puke.Ipinasok nito ang daliri sa butas ni Barbara at nilabas-labas-masok ito. Ang isang kamay naman nito ay humahaplos sa buong katawan niya at nilamas ang kaniyang suso.“Aaahhh!” usal ni Barbara. Ibinuka niya pang lalo ang dalawang hita at dumampi ang labi ng lalaki rito.Pinaliguhan nito ng halik ang buong katawan niya hanggang sa matambok niyang puwet at dumako a

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status