Makalipas ang sampung taon, muling lumapag ang Black Private Jet sa isang selyadong hangar sa Manila. Pagbukas ng pinto, ang mainit na hangin ng Pilipinas ay humalik sa kanilang mga balat, ngunit may kasama itong amoy ng bakal at kuryente.Lumabas si Liam Black, suot ang kanyang tech-glass na nagpapakita ng real-time data ng bawat taong nasa paligid. Ang kanyang bawat kilos ay kalkulado, isang repleksyon ng disiplina ni Xander."Welcome back to the lion's den, Liam," sabi ni Xander habang inaayos ang kanyang holster sa ilalim ng suit. "Tandaan mo, sa lungsod na ito, kahit ang mga pader ay may tenga.""I know, Dad. Kaya nga bago pa tayo lumapag, na-scramble ko na ang lahat ng CCTV sa loob ng 5-mile radius," sagot ni Liam nang may tipid na ngiti. "Para sa kanila, tayo ay mga multong dumaan lang."ANG TAGUAN NI MARCOHindi sila dumeretso sa AXL Towers. Sa halip, dinala sila ni Xander sa isang abandonadong shipyard sa Cavite. Doon, sinalubong sila ng isang lalak
Read more