The Billionaire’s Secret Little Heir

The Billionaire’s Secret Little Heir

last updateLast Updated : 2026-02-05
By:  Aj VillegasUpdated just now
Language: English
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
26Chapters
6views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

​"Pirmahan mo ang divorce papers at umalis ka na. Sofia is back, and I no longer have a use for a substitute like you." ​Sa loob ng isang taon, naging masunurin at mapagmahal na asawa si Aria kay Xander Black—ang mailap at ruthless na billionaire. Ngunit sa gabi ng kanilang anniversary, hindi regalo kundi papeles ng paghihiwalay ang ibinigay nito sa kanya. Itatapon lang pala siya na parang basura dahil nagbalik na ang babaeng tunay na mahal ni Xander. ​May lihim si Aria. Hawak niya ang isang positive pregnancy test, ngunit nang makita ang lamig sa mga mata ni Xander, pinili niyang manahimik. Hindi deserve ng lalaking ito ang kanyang anak. Nang walang salita, pinirmahan ni Aria ang papeles at naglaho nang parang bula. ​Pagkalipas ng Limang Taon. ​Bumalik si Aria sa bansa, hindi na bilang isang api, kundi bilang isang matagumpay at sikat na fashion designer. Ngunit ang mas ikinagulat ni Xander sa kanilang muling pagkikita ay ang batang lalaking kasama ni Aria—isang "mini-version" ni Xander na may parehong matatalim na kulay-abong mga mata. ​Nag-apoy ang galit at pag-aari sa dibdib ni Xander. "Kaninong anak ito, Aria?" mariing tanong niya habang isinasandal ang babae sa pader. ​Ngumiti lang si Aria nang may pait. "Anak ko siya, Mr. Black. At ikaw? Isa ka lang estranghero sa amin." ​Gagawin ni Xander ang lahat para bawiin ang kanyang tagapagmana, ngunit sapat ba ang yaman at kapangyarihan niya para muling makuha ang pusong dati niyang winasak? Isang bilyonaryo ang luluhod—mapatawad lang ng babaeng kaisa-isang minahal niya.

View More

Chapter 1

CHAPTER 1: ANG GABI NG PAGTATAPOS

Ang ulan sa labas ng penthouse ay tila nakikiramay sa panlalamig na nararamdaman ni Aria. Sa loob ng marangyang dining room, maingat niyang inayos ang mga kandila sa gitna ng mesa. May nakahandang steak, mamahaling alak, at isang maliit na cake na may nakasulat na: “Happy 1st Anniversary, My Love.”

​Isang taon. Isang taon na siyang kasal sa pinakamakapangyarihang tao sa bansa—si Xander Black.

​Kinakabahang hinawakan ni Aria ang maliit na puting stick sa loob ng kanyang bulsa. Positive. Dalawang guhit. Magiging tatay na si Xander. Inisip ni Aria kung paano magbabago ang mukha ng asawa—ngingiti na kaya ito sa kanya? Yayakapin na kaya siya nito sa wakas?

​Narinig niya ang pagbukas ng pinto. Ang mabibigat at determinadong hakbang ni Xander ay umalingawngaw sa hallway. Agad na sumilay ang ngiti sa mga labi ni Aria.

​"Xander! Kanina pa kita hinihintay—"

​Natigil ang sasabihin ni Aria nang makita ang asawa. Xander looked as lethal as ever in his charcoal-gray suit, pero mas malamig ang kanyang mga mata kaysa sa karaniwan. Hindi man lang nito tinapunan ng tingin ang inihanda niyang hapunan.

​Sa halip, may inilapag si Xander na isang brown envelope sa ibabaw ng mesa.

​"Sign it," maikli at malamig na utos nito.

​Kumunot ang noo ni Aria, pilit na pinapanatili ang ngiti. "Ano ito? Anniversary gift ba—"

​"It’s a divorce agreement, Aria. Don't act stupid."

​Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo ni Aria. Ang hiningang kanina ay puno ng pag-asa ay biglang naglaho. "D-Divorce? Pero Xander, anniversary natin ngayon. May sasabihin sana ako sa'yo..."

​"I don't care about your anniversary, and I definitely don't care about what you have to say," putol ni Xander sa kanya. Humakbang ito palapit, ang bango nito na amoy mamahaling tabako at sandalwood ay bumalot kay Aria, pero wala itong dalang init. "Sofia is back. She’s at the hospital, and she needs me. Our contract is over."

​"Contract?" bulong ni Aria, nanginginig ang boses. "Akala ko ba... akala ko ba totoong kasal ito? Xander, asawa mo ako."

​Isang mapait na tawa ang kumawala sa mga labi ni Xander. "Asawa? You were a replacement, Aria. Binili kita sa pamilya mo dahil kailangan ko ng asawang madaling kontrolin habang wala si Sofia. Ngayong nandito na siya, wala ka nang silbi sa akin."

​Dahan-dahang kinuha ni Aria ang divorce papers. Bawat salitang nakasulat doon ay parang kutsilyong sumasaksak sa kanyang puso. Irreconcilable differences.

​"I’ll give you the villa in Forbes Park, a monthly allowance for three years, and ten million dollars as a settlement. Just sign the papers and be out of this house before sunrise," dagdag pa ni Xander habang inaayos ang kanyang relo, tila ba ang pakikipaghiwalay sa asawa ay isang ordinaryong business meeting lang.

​"Mahal mo ba talaga siya?" tanong ni Aria, halos hindi lumalabas ang boses.

​"Yes. She is the only woman I will ever love. You... you were just a shadow, Aria. A temporary placeholder."

​Napahawak si Aria sa kanyang tiyan. Ang maliit na buhay sa loob niya ay tila naramdaman ang sakit na nararanasan ng kanyang ina. Gusto niyang isigaw kay Xander na buntis siya. Gusto niyang magmakaawa. Pero nang makita niya ang kawalan ng emosyon sa mga mata ng asawa, isang bagay ang namatay sa loob ni Aria.

​Ang kanyang pag-ibig para sa lalaking ito.

​Huminga siya nang malalim at kinuha ang ballpen. Sa isang mabilis na galaw, nilagdaan niya ang papeles. Walang luha ang pumatak sa harap ni Xander. Ayaw niyang ipakita rito kung gaano siya nawasak.

​"Hindi ko kailangan ng mansion mo, Xander. At hindi ko kailangan ng pera mo," sabi ni Aria habang nakatingin nang diretso sa mga mata nito. "I’ll leave. And I promise you, you will never see me again."

​"Good. Make sure you keep that promise," sagot ni Xander bago tumalikod at tuluyang lumabas ng penthouse nang hindi man lang lumingon.

​Nang sumara ang pinto, doon na gumuho si Aria. Napaluhod siya sa sahig habang humihagulgol. Ang dinner na inihanda niya ay lumamig na, gaya ng kanyang puso.

​Inilabas niya ang pregnancy test mula sa kanyang bulsa.

​"Huwag kang mag-alala, baby," bulong niya sa gitna ng pag-iyak. "Kahit wala ang daddy mo, hinding-hindi kita iiwan. We will have a new life. A life where no one will ever treat us like a 'substitute' again."

​Noong gabing iyon, bitbit ang isang maliit na maleta at ang lihim sa kanyang sinapupunan, naglaho si Aria Mercedes sa ilalim ng madilim na langit.

Matapos sumara ang pinto, nanatiling nakatitig si Aria sa kawalan. Ang bawat sulok ng penthouse na dati ay itinuturing niyang paraiso ay tila naging isang malawak at malamig na bilangguan. Bawat gamit doon—ang mamahaling sofa, ang mga painting na siya ang pumili, ang kama kung saan ibinigay niya ang lahat kay Xander—ay tila tinatawanan ang kanyang katangahan.

​"Placeholder lang pala ako," mapait niyang bulong sa sarili.

​Pinilit niyang tumayo kahit nanginginig ang kanyang mga tuhod. Pumasok siya sa kanilang kwarto at binuksan ang cabinet. Doon, nakita niya ang mga damit na binili ni Xander para sa kanya. Designer bags, sapatos na gawa sa Italy, at mga alahas na nagkakahalaga ng milyon-milyon.

​Iniwan niya ang lahat ng iyon. Ang tanging kinuha niya ay ang lumang maleta na dala niya noong una siyang pumasok sa buhay ni Xander—noong siya pa ay isang simpleng babaeng nangarap na makahanap ng pamilya.

​Habang nag-e-empake, biglang tumunog ang kanyang cellphone. Isang unknown number.

​Pagsagot niya ito, isang malambing ngunit mapanuyang boses ang bumungad. "Aria? I assume Xander already gave you the papers?"

​Nanigas si Aria. "Sofia?"

​"Yes, dear. I’m back. I’m sorry if I had to ruin your 'anniversary,' but Xander couldn't wait any longer. Sabi niya sa akin, parang isang taon daw siyang nakulong sa isang masamang panaginip kasama ka. Now, he’s finally free."

​Humigpit ang hawak ni Aria sa phone. "Kung masaya na kayo, bakit kailangan mo pa akong tawagan?"

​Humalakhak si Sofia. "I just want to make sure you won't do anything pathetic. Huwag mong gagamitin ang anumang drama para hindi siya hiwalayan. Xander hates beggars. Oh, and by the way, don't bother taking anything expensive. Lahat ng gamit mo rito, ipapatapon ko na sa basurahan bukas. They smell like... cheap."

​"Huwag kang mag-alala, Sofia," diretsong sagot ni Aria, ang kanyang boses ay hindi na nanginginig. "Saksak mo sa baga mo si Xander. At ang mga gamit na sinasabi mo? Sayo na 'yan. Bagay naman kayo—puro panlabas lang ang ganda pero bulok ang loob."

​Hindi na niya hinintay ang sagot ng babae at pinatay na ang tawag. Doon ay tuluyang natuyo ang mga luha ni Aria. Pinalitan ito ng isang matigas na determinasyon.

​Lumabas siya ng penthouse bitbit ang kanyang maleta. Bago siya pumasok sa elevator, lumingon siya sa huling pagkakataon. "Goodbye, Xander Black. At sa araw na magkita tayong muli, sisiguraduhin kong ikaw naman ang mawawalan ng hininga sa pagsisisi."

​SA LABAS NG HOTEL HOSPITAL

​Samantala, mabilis na pumasok si Xander sa V.I.P. room kung nasaan si Sofia. Ang babae ay nakahiga sa kama, may benda ang ulo at tila nanghihina.

​"Xander... dumating ka," malambing na sabi ni Sofia.

​Naupo si Xander sa tabi nito, pero may kakaiba siyang nararamdaman. Dapat ay masaya siya. Dapat ay panatag siya dahil narito na ang babaeng inakala niyang sentro ng kanyang mundo. Pero bakit ang nasa isip niya ay ang mukha ni Aria habang pinipirmahan ang divorce papers?

​Bakit tila nakaukit sa utak niya ang hitsura ng mga mata ni Aria—ang mga matang dati ay puno ng paghanga sa kanya, pero kanina ay tila naging abo sa lamig?

​"Are you okay, Xander? Parang malalim ang iniisip mo," tanong ni Sofia habang hinahawakan ang kamay ng bilyonaryo.

​Mabilis na binawi ni Xander ang kanyang kamay. "I’m fine. Pagod lang sa trabaho."

​"Nakaalis na ba siya? Si Aria?"

​"Yes. It's done, Sofia. Huwag na nating pag-usapan ang taong wala na sa buhay natin."

​Ngunit sa gabing iyon, hindi nakatulog si Xander. Sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata, naaalala niya ang amoy ng luto ni Aria at ang init ng yakap nito na dati ay binabalewala niya.

​Hindi niya alam, sa mga sandaling iyon, si Aria ay nasa loob na ng isang taxi patungo sa airport. Hawak ang kanyang tiyan, tumingin si Aria sa huling pagkakataon sa naglalakihang gusali ng siyudad.

​"Baby, mula ngayon, tayo na lang dalawa. Ipapangako ko sa'yo, balang araw, tayo naman ang nasa itaas."

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

No Comments
26 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status