Sa labas, nagpasama sila Amara at Nardo sa waiter ng tahimik na lugar at umupo silang magkaharap.Direkta na agad si Amara, kinuha ang nakahandang papelis ng dibursyo sa bag niya, inilapad iyon sa harap ni Nardo, at tumingala sa lalaki."Basahin mo, at kung wala kang tutol, pirmahan mo." malamig na tugon ni Amara.Nakatitig lang si Nardo sa papel na nasa harap niya, nanlilisik ang mga mata at sobrang seryuso nang mukha."Huwag kang mag-alala, hindi naman ako nagdala ng malaking dote noong pumasok ako sa pamilya niyo, at hindi rin ako hihingi ng malaki sa paghihiwalay natin. Nagpakonsulta na ako sa abogado tungkol sa paghahati ng mga ari-arian, at makikita mong makatarungan ang lahat ng nakasulat diyan." muling sabi ni Amara."Hindi ko inakalang aabot tayo sa ganito."Sa wakas ay nagsalita rin si Nardo nang may mabigat na boses."Ano?" Hindi ito narinig nang malinaw ni Amara.Tiningnan siya ni Nardo nang mariin at muling nagsalita, "Amara, hindi ko sinabing gusto kitang hiwalayan."Nar
Read more