Hindi agad gumising si Bella kinabukasan.At nang magising siya, ang una niyang naramdaman ay hindi sakit....kundi kawalan.Parang may hinugot na parte sa loob niya habang tulog siya.Parang may namatay, at hindi niya alam kung paano iluluksa.Nakatingin lang siya sa kisame, pinapakinggan ang katahimikan ng apartment. Walang “good morning.” Walang kamay na hahaplos sa buhok niya. Walang presensyang magpaparamdam na may naghihintay sa kanya sa mundo.Siya lang.At ang bigat ng alaala.Unti-unti, bumalik ang lahat.Ang story.Ang reaction ni Lena.Ang katahimikan ni Raf.Ang salitang confused.Confused—parang hindi siya ang nasaktan,parang hindi siya ang minahal,parang hindi siya ang ginawang tahanan kapag walang ibang mapuntahan.Umupo siya sa gilid ng kama. Nanginginig ang mga kamay niya habang kinukuha ang cellphone.May 17 missed messages.May 9 missed calls.Lahat mula kay Raf.Hindi niya binuksan agad.Parang may takot sa dibdib niya—takot na baka isang mensahe lang, bumigay
Terakhir Diperbarui : 2026-02-04 Baca selengkapnya