Alas-sais ng umaga.Nagising si Amara sa malawak na kama ni Xerxes. Masakit ang buong katawan niya. Mahapdi ang kanyang pagkababae, namamaga ang kanyang mga labi, at may mga pasa siya sa pulso at leeg—mga ebidensya ng bayad na ibinigay niya kagabi.Karaniwan, iiyak siya. Magtataklob siya ng kumot at mahihiya sa sarili niya.Pero ngayong umaga... tuyo ang kanyang mga mata.Tumayo si Amara at dumiretso sa banyo. Hinubad niya ang kumot at tinignan ang sarili sa full-length mirror.Ang babaeng nakatingin sa kanya ay bugbog, pero nakatayo pa rin."Bayad na ako," bulong ni Amara sa repleksyon niya. "Sabi niya, quits na. Wala na akong utang."Kung wala na siyang utang, wala na ring karapatan si Xerxes na tapakan siya. Kung tingin ni Xerxes sa kanya ay isang transaksyon, pwes, magiging pinakamahusay na business partner siya.Naligo siya. Madiin ang kuskos, pero hindi na dahil sa pandidiri, kundi para magising ang diwa niya.Paglabas niya ng banyo, nagbihis siya. Hindi siya nagsuot ng jeans at
Baca selengkapnya