Nilingon ni Damon si Jazz, bakas sa kanyang mukha ang matinding pagkabigla. Agad na lumuwag ang kanyang sakal.Hinawakan niya ang kanyang pisngi, tila hindi pa rin lubos na maproseso ang nangyari. Nag init iyon, at ramdam niya ang bakas ng palad na nakatatak sa kanyang pisngi.Kailanman ay hindi siya sinaktan ni Jazz. Noon, mas pipiliin pa ng dalaga na saktan ang sarili kaysa hayaang madapuan man lang siya ng kahit kagat ng lamok. Bahagya niyang naramdaman na tila may nagbago na.Ngunit sa sumunod na segundo, marahang nagtanong si Jazz, “Masakit ba?”Doon ay bumalik ang kumpiyansa ni Damon. Umaarte lang talaga ang babae.Sinusubukan lang nitong makuha ang atensyon niya sa ganitong paraan. Hindi nito sinasadyang sampalin siya, nabigla lang talaga ito.‘Yun lang ‘yun—patay na patay sa kanya si Jazz. Hindi nito kayang mabuhay nang wala siya."Huh! Ano, nag aalala ka na sa akin ngayon?"Natawa ng may pangungutya si Jazz, saka nag cross ang mga braso, "At sino ka naman, para paglaanan ko
Ler mais