Noong umagang iyon, bago umalis ng bahay, nagluto muna si Jazz ng kanyang almusal. Magaan ang kanyang pakiramdam.. at parang kahit siya sa sarili niya, pakiramdam niya ay ibang tao na siya.Sa wakas, sa kanya na ang buong bahay. Hindi na niya kailangang magmakaawa sa pamilya niya para sa kahit ano. Dahil mayroon siyang apat na milyon sa bangko, hindi na niya mararanasang mahirapang maghanap ng 20,000 para ibayad sa kanyang gamutan.Dahil naalala ang mga bayarin sa ospital, agad niyang hinanap ang numero ni Malachi at sinubukang i-add ito sa WeChat.Magtatanghalian na pero hindi pa rin siya inaaccept ni Malachi, kaya nag-message na siya: [Mr. Robles, may utang pa po akong 20,000 sa inyo. Puwede po ba kitang i-add sa WeChat?]Walang sumagot. Napakalamig talaga ni Malachi sa kapwa. Ni hindi man lang nito naisip na siya na nga ang nagpapakababa, parang tumatanggi pa ito. Ngayon niya napatunayan, na para talagang bato ang lalaki.Habang nakaupo si Jazz sa kanyang desk, biglang lumapit
Ler mais