Tinapik ni Jazz ang balikat ni Che Che. “Humingi ka na muna ng paumanhin sa ating mga customer. Sabihin mo sa kanila, na mas matamis naman at malutong ang mga mansanas sa Tayabas."Mabilis na pinunasan ni Che Che ang kanyang mga mata at nabuhayan ng loob. “Sige!”Humarap si Jazz sa binata sa tabi niya. “Magkano niyo ito ibinebenta bawat isa?”“dalawang piso lang,” sagot nito.“Che Che,” utos ni Jazz, “isulat mo sa mensahe na bilang pampalubag-loob, magdadagdag tayo ng limang piraso sa bawat order.”Ang mga order naman sa kanila, ay bente piraso kada order, kaya ang ipapadala nila ay bente singko piraso. Hindi na rin sila lugi, dahil limang piso kada isa naman ang kanilang presyo.“Naintindihan ko.”Pagka-send ng mensahe, lahat sila ay kinakabahang nakatitig sa system. Maya-maya, sunod-sunod na ang mga mensahe ng kanselasyon, parang ulang bumabagsak.Napahawak si Che Che sa kanyang mukha. “Wala na! Kanselado na ang mahigit 20,000 orders? Kasalanan ito ni Angelyn! Sabi niya nanloloko r
Ler mais