Bryden's POVNapatingin ako sa kanya.“Ito na,” sabi niya ulit. “Mas bagay sa kulay mo. Mas malinis tingnan.”Tumango si Kuya. “Oo nga. Mas mukhang fresh. Yung puti, okay din, pero ito… mas ikaw.”“Mas ako?” ulit ko.“Oo,” sagot ni Ate Luna. “Hindi mo kailangang magmukhang sobrang pormal agad. Kailangan mo lang magmukhang maayos, presentable, at may kumpiyansa.”Hindi ako nakaimik agad.May kakaiba sa sinabi niya.Simple lang, pero tumama.Kumpiyansa.Ilang taon na nga ba mula nang naramdaman kong mayroon pa akong gano’n?“Subukan mo nga rin ’tong blazer,” sabi ni Kuya, sabay abot sa akin ng dark gray na coat.Napangiwi ako. “Kuya, sobra na yata ’to.”“Subukan mo lang.”Wala akong nagawa. Isinuot ko ang blazer.Pagharap ko sa salamin sa gilid ng boutique, halos hindi agad nag-register sa akin ang nakikita ko.Ako iyon.Pero hindi iyong ako na laging nakapambahay, puyat, at nakatutok sa laptop.Hindi rin iyong ako na pilit umiiwas sa usapan tungkol sa trabaho.Sa unang pagkakataon mata
Magbasa pa