Mag-log inBryden’s POVIsang taon ang lumipas bago ko naisip na hindi pala lahat ng pag-uwi ay tungkol sa lugar.Minsan, tao.Minsan, sarili.Nasa maliit na café kami ni Luna sa Tagaytay nang araw na iyon, sa parehong lugar kung saan minsan niyang kinausap si Bryan tungkol sa mga bagay na hindi na nila kayang itago. Hindi iyon plano. Hindi namin sinadya. Pauwi sana kami galing sa probinsya matapos bisitahin si Nanay, pero biglang umulan, at si Luna ang unang nakakita sa signage.“Dito tayo,” sabi niya.Tumingin ako sa kanya. “Sure ka?”Tumango siya, hawak ang paper bag ng pasalubong ni Nanay. “Oo. Hindi naman multo ang lugar.”Hindi nga.Pero may mga lugar na marunong magtago ng lumang sakit sa ilalim ng magandang tanawin.Umupo kami sa may bintana. Sa labas, makapal ang hamog, halos lamunin ang kalsada. Si Luna ay nakasuot ng simpleng dress, may cardigan sa balikat, at nakasabit pa rin sa bag niya ang moon keychain na ibinigay ko noong birthday niya. Sa daliri niya, wala pa ring singsin
Luna’s POVAnim na buwan ang lumipas bago ko muling natutunang tawaging payapa ang isang umaga.Hindi ibig sabihin naging madali ang lahat. Hindi ganoon kabait ang buhay. May mga papeles pa ring kailangang ayusin, mga pamilyang kailangang kausapin, mga matang kailangang tiisin, at mga gabing bigla na lang akong magigising na may bigat sa dibdib dahil may lumang alaala na dumaan nang hindi kumakatok.Pero hindi na ako tumatakbo.Hindi na rin ako nagtatago.Si Bryan at ako ay natutong mag-usap nang hindi laging may sugat na binubuksan. May mga araw na masakit pa rin, lalo na kapag napag-uusapan namin ang bahay, ang mga gamit, ang mga taon na hindi naman peke kahit natapos. Pero naging mabuti kami sa isa’t isa sa paraang kaya namin. Hindi perpekto. Hindi madali. Pero totoo.Noong huli kaming nagkita, iniabot niya sa akin ang isang folder ng papeles at isang maliit na paper bag.“Rice cooker?” biro ko, kahit may kaba sa dibdib.Napatawa siya. “Grabe ka. Hindi na ako uulit.”Nasa loob ang
Bryan’s POVNakita ko sila.Hindi ko sinadya.At siguro, iyon ang mas masakit.Dapat hindi ako dumaan sa park na iyon. Dapat diretso na ako sa condo pagkatapos kong maglakad para palamigin ang ulo ko. Pero may mga gabing ang paa mo ang pumipili ng dadaanan bago pa makasunod ang isip. Nandoon ako sa kabilang side ng fountain, bahagyang natatakpan ng puno, nang makita ko si Luna.At si Bryden.Magkahawak ang kamay.Hindi sila nagtatago. Hindi rin sila nagpapakita. Parang dalawang taong pagod na sa dilim, pero hindi pa rin sanay sa liwanag.Nakita ko ang halik.Maikli lang. Hindi marahas. Hindi yung halik na puno ng kasakiman. Mas masakit pa nga dahil maingat. Parang pinangakuan muna nila ang mundo na hindi sila tatakbo bago nila hinayaang magdikit ang labi nila.Doon ko naramdaman ang huling piraso ng pag-asa ko na dahan-dahang bumitaw.Hindi siya sumabog.Hindi ako sumigaw.Hindi ko rin sila nilapitan.Tumalikod lang ako at naglakad palayo, habang sa dibdib ko may bagay na tahimik na n
Bryden’s POVHindi ko alam kung gaano katagal kaming naglakad ni Luna sa park.Wala kaming malinaw na pupuntahan. Sinundan lang namin ang pathway na paikot sa fountain, dumaan sa ilalim ng mga punong may dahong kumakaluskos sa hangin, at paminsan-minsan, sabay na tumatahimik kapag may pamilyang dumadaan o batang tumatakbong halos sumalpok sa tuhod namin.Hawak ko ang kamay niya.Hindi mahigpit. Hindi rin alanganin. Sapat lang para maramdaman kong totoo siya. Sapat para malaman kong hindi ko siya guni-guni, hindi text sa screen, hindi lihim na binubulong sa dilim.Nandito siya.At pinili niyang lumapit.“Bryden,” sabi niya matapos ang mahabang katahimikan.“Hm?”“Kinakabahan ako.”Napatingin ako sa kanya. Hindi siya nakatingin sa akin. Nasa daan ang mata niya, pero ang daliri niya ay bahagyang humigpit sa kamay ko.“Ako rin,” amin ko.“Akala ko sasabihin mo, ‘huwag kang kabahan.’”“Hindi. Masama akong liar.”Doon siya napatawa, mahina, pero sapat para gumaan ang kabang nakahiga
Luna’s POVTatlong linggo.Ganoon pala kahaba ang pagitan ng pagbitaw at paghinga.Sa loob ng tatlong linggo, hindi ako umuwi sa bahay namin ni Bryan. Minsan, dumadaan ako para kumuha ng gamit, pero hindi ako natutulog doon. Si Bryan naman ay nasa office condo niya. Hindi kami nag-away. Hindi rin kami biglang naging okay. Tuwing Linggo, nagkikita kami sa isang café na pareho naming hindi paborito, para walang alaala na madudumihan. Doon kami nag-uusap.Noong unang Linggo, puro iyak.Noong pangalawa, puro katahimikan.Noong pangatlo, doon namin unang nasabi ang salitang matagal naming kinatatakutan.“Separation.”Hindi legal muna. Hindi final sa papel. Pero totoo sa buhay.Kailangan naming humiwalay sa dating anyo namin para malaman kung may babalikan pa ba. At habang masakit sabihin, mas masakit aminin ang kasunod: hindi ko na hinahanap ang pagbabalik sa dating kami.Ang hinahanap ko ay sarili ko.At unti-unti, nahanap ko siya.Hindi buo agad. Hindi dramatic. Hindi yung tipong isang u
Bryan’s POVHindi ko sinundan si Luna.Alam kong nasa labas siya kasama si Mara. Alam kong kailangan niya iyon, kahit may parte sa akin na gustong magmaneho papunta roon, hilahin siya pabalik, at sabihin sa kanya na dito siya dapat, sa bahay namin, sa tabi ko, sa buhay na pinili naming dalawa.Pero anong klaseng pagmamahal iyon kung kailangan kong bantayan para manatili siya?Kaya nanatili ako sa bahay.Mag-isa.Sa unang oras, naglinis ako. Hindi dahil madumi ang bahay, kundi dahil hindi ko alam kung saan ilalagay ang kamay ko. Inayos ko ang mesa, hinugasan ang isang basong malinis na, inayos ang unan sa couch, binuksan ang ref, isinara ulit. Para akong bisita sa sarili kong bahay.Doon ko lang napansin kung gaano karaming bahagi ng bahay ang may bakas niya.Hindi lang ni Luna.Ni Bryden din.May mug siyang naiwan sa pinakadulong shelf, yung kulay gray. May lumang resibo sa ilalim ng center table mula sa grocery na binilhan niya siguro noong wala ako. Sa kusina, may maliit na garapon







