LOGINTahimik siya habang nakatitig sa mensahe. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin. “May pinagbigyan ka bang number mo kung kani-kanino?”“Wala, Kuya.”“Sure ka?”“Sigurado.”Narinig namin ang yabag ni Ate Luna mula sa kusina. Lumapit siya sa sala, hawak ang bimpo. “Bakit?”Tiningnan siya ni Kuya, tapos ang cellphone, tapos siya ulit.“Ano’ng nangyari?” tanong niya.Hindi agad sumagot si Kuya. Parang pinipili niya kung ipapakita ba o hindi. Pero bago pa siya makapagdesisyon, kinuha ko na sa kamay niya ang cellphone at iniabot kay Ate Luna.Pagkabasa niya, kitang-kita ko ang pagkaputla ng mukha niya.“Hindi ako nagbibiro kanina,” sabi ko, mababa ang boses. “May nakita talaga akong lalaki sa tapat.”Tahimik.Mabigat na tahimik.“Ako rin.”Sabay kaming napatingin kay Ate Luna.Mahigpit na ang hawak niya sa cellphone.“Ano?” tanong ni Kuya, biglang tuwid ang upo.Huminga siya nang malalim. “May napapansin na ako nitong mga nakaraang araw.”Nanigas ang buong katawan ko.“Bakit hindi mo sinabi?”
Bryden’s POVHindi na nawala sa isip ko ang lalaking nakita ko sa labas ng gate.Kahit pagkapasok namin sa bahay, kahit habang inilalapag namin ni Kuya ang mga pinamili sa mesa, kahit habang si Ate Luna ay deretsong nagtungo sa kusina para ayusin ang ilang gamit—nandoon pa rin sa isip ko ang anino ng taong iyon.Baka wala lang.Baka tambay lang.Baka napadaan lang talaga.Pero hindi ko alam kung bakit ayaw maniwala ng kutob ko.“Hoy,” tawag ni Kuya habang inaabot sa akin ang isa sa mga paper bag, “dalhin mo ’to sa kwarto mo. Baka mamaya may makalikot pa.”Tumango ako. “Sige.”Kinuha ko ang mga dala ko at umakyat sa taas. Pagkapasok ko sa kwarto, agad kong inilapag ang mga bag sa gilid ng kama. Nasa ibabaw pa rin ng maliit na mesa ang luma kong charger, pati ’yung ilang gamit na basta ko na lang hinulog doon kagabi.Tahimik sa kwarto.Pero hindi payapa.Lumapit ako sa bintana at bahagyang sumilip sa labas. Kita mula roon ang gate at bahagi ng kalsada. Wala na ang lalaking nakita ko kan
Pumasok ako sa fitting room dala ang mga damit.Pagkasara ko ng pinto, saka ako napabuntong-hininga.Mali.Maling masyado kong dinadala ang bawat salita niya.Maling naririnig ko ang kabutihan niya na parang may ibig sabihin pa.Asawa siya ng kuya ko.At kahit kailan, hindi dapat lumampas doon ang kahit anong iniisip ko.Paglabas ko ng fitting room, nakaayos na sa akin ang long sleeves. Pagharap ko sa salamin ay saglit akong natigilan. Hindi dahil sobrang gwapo ko bigla—kundi dahil mukhang mas presentable nga ako kaysa dati.Lumapit si Kuya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.“Ayan,” sabi niya. “Mukha ka nang puwedeng ipakilala sa matinong kumpanya.”“Tama na,” sabi ko, pero napangiti rin ako.Si Ate Luna ay ilang hakbang ang layo, tahimik na nakatingin. Tapos tumango siya nang kaunti.“Bagay sa’yo.”Awtomatikong napatingin ako sa kanya.At sa isang iglap, nawala sa isip ko ang suot kong long sleeves, ang mall, ang dami ng tao, at pati ang ingay sa paligid.Bagay sa’yo.Simpleng s
Bryden's POVTumango ako sa kanya at inilabas ang aking cellphone mula sa bulsa ng aking jogging pants.Luma na talaga ang itsura nito. May basag na ang gilid, manipis na rin ang tunog kapag may nanonood akong video, at minsan kusa pa itong namamatay kapag uminit.“Grabe,” natatawang sabi ni Kuya nang makita iyon. “Buhay pa pala ’yan.”“Matibay kasi,” sagot ko. “Parang ako.”“Parang tanga,” banat niya.Napailing na lang ako habang si Ate Luna ay natawa nang mahina sa tabi namin. Hindi malakas, hindi OA, pero sapat para mapatingin ako sandali sa kanya.Mali.Dapat hindi na ako sanay na mapatingin.Dapat hindi ko na rin pinapansin ang maliliit niyang ngiti, o kung paano siya tumawa na parang laging may kontrol sa sarili. Pero simula kagabi, pakiramdam ko kahit simpleng paglingon niya ay may kakaibang epekto na sa akin.Kaya agad akong nag-iwas ng tingin.Pagdating namin sa gadget section ay dumiretso kami sa isang kilalang stall. Agad kaming nilapitan ng saleslady.“Sir, anong model po a
Bryden’s POVPumasok kami sa isang restaurant.“Table for three,” dinig kong sabi ni Kuya sa waiter na sumalubong sa amin.“This way, sir,” sagot nito habang iniimbitahan kaming sumunod.Tahimik kaming naglakad hanggang sa isang mesa sa may gilid ng restaurant. Malinis ang ayos ng lugar—dim ang ilaw, may soft music sa background, at karamihan sa mga taong naroon ay mukhang mayayaman o may pinag-uusapang negosyo.Matapos kaming makaupo, binigyan niya kami ng tig-iisang menu.Agad naman akong tumingin sa mga pagkain, at nang makita ko ang mga presyo ay hindi ko maiwasang mapangiti.Grabe…Ang mahal ng mga pagkain.Pero sa totoo lang, sanay na rin naman ako sa ganitong presyo. Kahit sa probinsya namin, may mga ganito ring klaseng restaurant lalo na sa kabayanan. Madalas, kapag nagwi-withdraw ako ng pera, tinutreat ko rin ang sarili ko.Kaya hindi na bago sa akin ang ganitong mga presyo.“Pili na kayo,” nakangiting sabi ni Kuya Bryan habang nakatingin sa menu. “Ako na ang bahala.”Napatin
Bryden's POVHindi na siya sumagot pa. Ngumiti lang siya nang maliit at tumingin sa paakyat na numero sa ibabaw ng pinto.Pagdating namin sa taas, agad bumungad sa amin ang arcade. Makukulay ang ilaw, maingay ang paligid, at halo-halong tunog ng token machines, video games, at tawanan ng mga tao ang maririnig. Saglit akong napangiti dahil bigla akong parang bumata nang ilang taon."Tagal ko na ring hindi nakakapunta sa ganito," sabi ko habang naglalakad papasok."Talaga?" tanong ni Ate Luna.Tumango ako. "Sa probinsya, meron naman... pero hindi rin ako mahilig lumabas.""Nahalata ko nga," natatawa niyang sabi."Ano ibig mong sabihin sa nahalata mo?" kunwari'y offended kong tanong."Tingnan mo sarili mo," sagot niya, nakangiti. "Para kang ngayon lang ulit nakakita ng ganito."Napangiti na lang din ako. May punto naman siya.Lumapit kami sa counter para bumili ng game card. Nang ilalabas ko na sana ang wallet ko, agad niya akong pinigilan."Ako na," sabi niya."Huh? Huwag na, Ate.""Hay
Bryden’s POVPaglabas ko ng bulsa ko ng cellphone, napangiti si Kuya Bryan.“Grabe, buhay pa ’yan?” natatawa niyang sabi. “Ilang taon na ’yan?”“Matibay kasi,” sagot ko habang nakangiti. “Pero oo… oras na siguro para palitan.”“Tara na sa loob,” sabi ni Kuya.Pumasok kami sa isang cellphone shop. M
Bryden's POVNapatingin ako sa kanya.“Ito na,” sabi niya ulit. “Mas bagay sa kulay mo. Mas malinis tingnan.”Tumango si Kuya. “Oo nga. Mas mukhang fresh. Yung puti, okay din, pero ito… mas ikaw.”“Mas ako?” ulit ko.“Oo,” sagot ni Ate Luna. “Hindi mo kailangang magmukhang sobrang pormal agad. Kail
Bryden’s POV“Bryden, tapos ka na ba?”Dinampot ko ang wallet ko, pati cellphone na matagal ko nang hindi napapalitan. Napatingin pa ako sa salamin—hindi dahil arte ako, kundi dahil ayokong magmukhang bisita na walang direksyon sa buhay.“Palabas na,” sagot ko, saka lumabas ng kwarto.Nasa sala si
Luna's POV"A-ah… salamat," mabilis na sabi ko dala ng pagka-ilang. Kinuha ko agad yung seasoning at nag umpisa na sa pagluluto.Bumalik sa upuan niya si Bryden, habang tuloy tuloy lang ako. Nag iinit ang aking katawan, hindi ako mapakali. Nag halo halo ang pakiramdam dahil sa aking nakita o marahi







