Bryden’s POV“Bryden, tapos ka na ba?”Dinampot ko ang wallet ko, pati cellphone na matagal ko nang hindi napapalitan. Napatingin pa ako sa salamin—hindi dahil arte ako, kundi dahil ayokong magmukhang bisita na walang direksyon sa buhay.“Palabas na,” sagot ko, saka lumabas ng kwarto.Nasa sala si Ate Luna, habang si Kuya Bryan naman ay abalang inaayos ang buhok niya sa maliit na salamin na nakapatong sa may kabinet. Maaliwalas tingnan ang bahay kapag silang dalawa ang nasa loob—parang may order ang lahat. Napansin ko ring pareho silang nakangiti, yung tipong hindi nila pinaparamdam na abala ako.“Tara na,” sabi ko, kaswal ang tono.Sabay-sabay kaming bumaba. Si Kuya ang unang lumabas, hawak ang susi ng sasakyan. Si Ate Luna naman ay sumunod, hawak ang cellphone, mukhang may chine-check na message. Saka ko pa lang napansin ang suot suot nito. Isang simpleng puting dress na siyang mas nagpalabas ng kanyang ganda, hindi man hapit sa kanyang katawan ay labas na labas pa rin ang hubog nit
Last Updated : 2026-02-12 Read more