“Sir, you cannot do this. Please, Sir Ralph, mahigpit ang bilin ni Don Pedro. Itinakwil ka na niya. Hindi ka na maaring pumasok sa mansiyon, Sir!” si Mark habang hinaharang ang daraanan ni Ralph patungo sa mansiyon ng mga Del Fierro.Nang makarating si Ralph doon, naroon na ang mga tauhan ng binata, lahat naghihintay sa kanya, ayon na rin sa utos nito. Subalit si Mark lang ang naglakas-loob na pigilan ang amo.“Get out of the way, Mark. That’s my first and final warning,” si Ralph sa matigas na tinig, pilit na hinahawi ang assistant na noon ay nasa harap niya mismo.“S-Sir, hindi pwede. Baka mapahamak kayo, Sir! Hindi mangingimi si Don Pedro na parusahan kayo kapag---““He cannot punish me anymore! He already disowned me. Ano pa bang mas malala sa bagay na ‘yon?” anang binata, bumaling na sa security na nakabantay sa gate ng mansiyon. “You there, open the gate!” utos ng binata.Sandaling bumakas ang pag-aalinlangan sa mukha ng bantay. “Sir, bawal po kayo dito sa mansiyon. Mahigpit p
Read more