Matapos lang ang ilang araw, bumalik sa GEM si Elize at nagtrabaho. Gayunpaman, maraming bilin si Ralph. At lahat ng ‘yon, tinandaan ni Elize. Wala siyang balak suwayin ang asawa. After all, she doesn’t want to trouble her husband again. Sa nakalipas na ilang linggo, sunod-sunod ang naging problema nila at ayaw na niya iyong dagdagan pa.Now, just a few weeks left till their wedding day, ayaw na sana niyang makaharap pa ng anumang aberya. She wanted to enjoy the process of preparing for their big day. And she really hopes after that road incident she had involving Calvin, wala na sanang anupamang hindi kaaya-ayang kaganapan siyang makakaharap sa mga susunod na araw.Abala sa pagre-review ng kanyang emails si Elize nang katukin siya ni Mabel, ang bagong assistant nila ni Ivy, sa kanyang opisina.“Ma’am, may delivery daw po kayo sa reception,” anito.Mula sa kanyang laptop, nag-angat ng tingin si Elize. “Delivery? Kanino galing?”Maingat na umiling si Mabel. “Hindi ko pa po alam, Ma’am
Read more