“Anong sinabi sayo ng gagong yun?” tanong ni Isco ng bumalik na ako sa aking table.Tumingin ako sa kanya at dahan-dahang umiling. “Wala naman,” sagot ko at ayokong malaman nila ang sinabi sa akin ni Keanu.What if totoo ang sinabi niya?“Huwag kang maniwala sa kung ano man ang sinabi niya,” wika pa ni Isco sa akin. “You should trust your boyfriend, Ash!” dagdag niya pa sa akin.“Atsaka hindi ka naman gullible, Ash. Trust Timo kasi hindi ka naman niya pababayaan,” dagdag pa ni Dami. “I know na may ginawa siya sayo pero alam ko na may reason lahat yun,” wika pa niya sa akin.Ngumiti ako sa kanilang dalawa at sinabing, “Thank you, guys! Sobrang appreciated ko talaga ang mga sinabi niyo.”We went back to finish our work at nang lumabas si Keanu sa office ni ma'am Josephine ay balak pa niyang lumapit sa akin pero pinigilan agad siya ni Isco.“Tumigil ka na sa kahibangan mo, Keanu!” wika ni Isco sa kanya at ramdam ang galit s
Last Updated : 2026-03-12 Read more