Natapos kaming kumain at nakisabay na din sa amin si kuya Ford. Hinihintay niya pala ako kaya hindi siya sumabay kina mama at papa para daw may kasabay akong kumain. Na-appreciate ko naman ang sinabi ng kapatid ko kaya nilagyan ko ng ulam ang plato niya.“Oh! Ang dami naman,” wika ni kuya Ford sa akin.“Kain ka lang, kuya!” sabi ko naman sa kanya.Mukha namang nasarapan sila sa niluto ko kasi naka-ilang beses silang sumandok ng kanin. “Hinay hinay lang ah,” wika ko sa kanila kasi wala ng natira na kanin sa kaldero.“I really love your cooking skills,” wika ni Timo at inubos ang pagkain niya sa kanyang plato. “I will do the dishes,” dagdag pa niya.Kanina pa ako tapos kumain at pinapanood ko na lang sila kasi natutuwa ako na makitang inubos nila ang niluto ko. “Naku! Ako na ang mag hugas,” sabi ko naman kay Timo kasi bisita ko siya tapos siya pa ang maghuhugas ng mga ginamit namin.“Huwag na kayong mag talo, ako na lang!” sabi nam
Last Updated : 2026-03-06 Read more