Athena’s POVKinabukasan, mas maaga akong nagising kaysa sa nakasanayan.Hindi dahil sa bangungot. Hindi rin dahil sa tawag o message. Nagising ako dahil may kakaibang pakiramdam sa bahay, parang may bagong hangin na pumasok pero hindi ko alam kung sariwa ba iyon o may dalang lamig.Pagbaba ko, nakita ko si Clyde sa dining area. Naka-white shirt lang siya, hawak ang kape, mukhang hindi rin masyadong nakatulog. Si Cloud ay nasa tabi niya, tahimik na kumakain ng cereal, habang si Manang Rosa naman ay mas abala kaysa dati.“Morning,” sabi ni Clyde nang makita ako.“Morning.”Nagkatitigan kami saglit. May gusto siyang sabihin, alam ko. Pero bago pa siya magsalita, bumukas ang pinto mula sa hallway.Brianna appeared, wrapped in a pale cardigan, her hair falling softly over one shoulder. She looked fragile in a way na parang dapat maingat ang lahat sa paligid niya. Her skin was pale, her smile small, and her hand rested lightly against the wall as if she needed support.“Sorry,” she said so
Read more