Pagkatapos tumawag ni doctor Santos, tinulungan ko si Manang Elena sa pag handa ng dinner para sa pag balik ni Sebastian. Medyo naninibago ako sa tinitirahan ko ngayon malaki maaliwalas at malinis. Bigla kong naalala ang sinabi ni Andrea. Dahil sa kuriyosidad ko, tinanong ko si Manang Elena patungkol kay Andrea. "Manang Elena ka ano-ano ni Sebastian si Andrea?" tumawa si Manang habang nag luluto "Dating kasintahan ni Sebastian si Andrea mayaman si miss Andrea pero dahil sa demanding at maarte niyang ugali hindi kinaya ni Sebastian. Ang kaso lang hindi pa kaya ni Sebastian na bigla niyang hiwalayan ito baka ano pa ang maisip na masama. Pero ang sabi ni Sebastian, pag may mangyaring masama sayo dahil kay Andrea, hihiwalayan niya agad-agad si Andrea" ngumiti ako nang malaman ko na concern din pala si Sebastian sa akin, pero bakit ganun ako ka importante sa kanya? Kaya siguro gusto ni Andrea na palayasin ako dahil hindi pa niya alam na nakikipaghiwalay na pala si Sebastian sa kanya.
Zuletzt aktualisiert : 2026-02-17 Mehr lesen