Samarah's POV “Ready na ba kayo sa star of the show natin today?” Itinaas ni Tita ang isang bra na may mga beads saka winagayway ‘yon sa taas ng ulo niya. “For sure ready na sila, kanina pa naghihintay ang mga ‘to eh. Naku, atin-atin lang ha? Baka makabuo kayo neto kahit menopause na kayo! Hahaha!” Nag apir pa sila at sabay na sumayaw nung tumugtog yung kanta. Hawak mo beat hawak mo ang beat pero yung sayaw nila parang hindi naman beat ang hawak, huhuhu! Pareho kaming nanonood ni Thea sa likod ng cellphone na ginagamit nila pang live. “Ate hindi kaya nahihiya si Mama?” bulong niya. “Syempre nahihiya. Hay nako, basta. Maiintindihan mo rin kapag lumaki ka na. Basta ‘wag mo siyang huhusgahan ha?” Ginulo ko ang buhok niya. Yumuko siya at halatang may gustong sabihin, “Kasi ate, natatakot ako eh.” “Saan?” “Natatakot akong malaman ng mga kaklase ko yung paglalivenselling ni Mama eh.” Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil ‘yon, “Baka kung anong sabihin nila kay Mama kapag
Read more