Samarah's POV “Madaling-madali ka naman kasi umuwi, baka wala pa naman ‘yon.” “Iiih! Basta bilisan mo na! Ibaba mo na lang ako dyan sa may gilid. ‘Wag sa mismong gate.” Nangunot ang noo niya, “Huh? Bakit naman?” “Basta dito na lang ako, ayan ayan dyan sa gilid.” Tinuro ko sa kanya ang gilid kung saan maraming halaman, “Dito na. Babye! Thank you sa champorado!” “Sigurado ka ba?” Hindi ko na siya sinagot. Binuksan ko na ang pinto saka lumabas, “May utang ka pa sa akin ah?!” “Oo, bawi ako next time! Bye! Thank you!” Kumakaway ako habang tumatakbo palayo. Hapong-hapo na ako pagdating sa kwarto. Bakit naman kasi napakalaki ng bahay na ‘to? Nakakaloka! “Tulog ka na?” Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ay nakahiga na siya sa kama. Nakatalikod siya sa akin at nakapikit, nakasuot na rin siya ng pajama, “Ay, wala akong coffee.” Nakanguso kong sabi. Tatayo na sanaa ako nang bigla siyang bumangon, “Gising ka pa pala?” Hindi pa rin siya sumagot. Pumunta siya sa study table, nandon
Read more