Samara's POV “Kaya mo ba ang tatlong kambal?” “Hehe, hindi naman po ako aso Lola– aah!” Napahawak ako sa kaliwang braso ko matapos niya itong hampasin ng malakas. “Palabiro ka talaga, ija! Sige na pumasok na kayo, gawan niyo na ako ng apo.” Tinulak niya ako papasok at sunod ay si Rowan. “Grabe manghampas si Lola parang hindi naman malapit mamatay eh.” “Shut up!” Salubong na naman ang kilay ng bading. Sumunod sa kwarto namin si Tita Yassy saka isinara ang pintuan. “Kayong dalawa, tigilan niyo ang pag-aaway. Oh ayan, basahin niyo at pirmahan.” May inihagis siya sa aming envelope pero walang nakasalo non kaya nagtuturuan kami kung sino ang pupulot, “Utang na loob umayos kayong dalawa, okay? Aalis na ako Hindi ako pwedeng magtagal.” Masama ang tingin naming sa isa't isa. Dadamputin ko na sana ang documents nang bigla niya akong unahan. “Bastos ka talaga!” “Wow, said by the girl who kept asking my Lola when she'll be dead.” Napaka arte ng pagkakasabi niya non, parang y
Last Updated : 2026-02-09 Read more