DISCLAIMER: This is a work of fiction. The character's views and opinion does not reflect the writer's values and perspective. Samarah’s POV “Hindi ako tibo!” malakas niyang sigaw na para bang siya si Barbie kaya kami ang mali sa pag-aassume na tibo siya, “Saang parte ba kasi ako mukhang tombits at lahat na lang ng tao sa paligid ko ipinipilit na tomboy ako?” “Sa lahat,” umayos ng upo si Ate Pichie– este si Ate Jopay saka siya tinitigan, “Naka boy cut ka, yung galawan mo sobrang angas, yung damit mo pang emo na tomboy na laging basted.” “Pwede ba manahimik ka na Ruffa Mae? Dude patahimikin mo nga!” Sinuntok niya sa braso si Rowan. Lukot na lukot na ang mukha niya mukhang ubos na ang pasensya niya kay ate Jopay hahaha. Edi nakakita siya ng katapat hahaha! “Bahala kayo dyan,” tatawa-tawang sagot ni Rowan habang umusog ng upo palapit sa akin. Pulang-pula na ang tenga niya, lasing na kaya siya? “Hay, ‘yan mismo ang problema ko. Kaya hindi ako nagugustuhan ng taong gusto ko.” N
Read more