Pumasok si Marco sa kwarto para kumuha ng pamalit. Sumunod si Elena, ang mga daliri ay hindi mapakali habang nakatingin sa seryosong mukha ni Marco."Marco, sina Trixie at Cedric... childhood friends ko sila. Sabay kaming lumaki, pati parents namin magkakakilala na decades na," panimula ni Elena."You don't need to explain," malamig na sagot ni Marco habang isinasara ang cabinet."Kasi 'pag isinama kita, siguradong mamasamain ng mga kamag-anak ko ang relasyon natin. Magkakagulo lang."Huminga nang malalim si Marco at lumingon. "Okay, fine. Hindi na ako sasama. Let's just have breakfast.""Huwag ka nang magalit, please?" pakiusap ni Elena, ang boses ay malambot at tila nagmamakaawa."Elena, is it even important to you if I’m angry or not?"Tumango si Elena. "I don't want to lose you... as a friend."Bahagyang nanghina ang tingin ni Marco, halatang may loss na naramdaman sa huling salita ni Elena. "Hindi ako galit. Lumabas ka na para makakain na tayo.""Hindi ka pa tapos kumain, ah? Kak
Read more