Hinila ni Cedric ang damit ni Zach na natigilan sa kinatatayuan, tapos inostenteng nagtanong,“Daddy, ano’ng tinitingnan mo? Parang nakita ko si Tita Aera…”Matalas talaga mata ng bata.Si Serene, dahil mainit pa ang ulo sa kaninang away, lalong sumama ang loob at may halong selos.“Edi nakita mo. Kanina sa Almeda building nakita mo na rin naman siya, ’di ba? Ano ba, hindi mo pa rin ba siya makalimutan?”Nainis si Zach sa tono niya. Bigla niyang binalik ang tingin at sumagot na may galit.“Anong sinasabi mo?! Ang sinasabi ko, parang may narinig ako kanina na tinawag siyang… ‘Mrs. Almeda! At hindi mo ba nakita? May lalaki siyang kasama! Magkahawak pa sila ng kamay!”“Mrs. Almeda?!”Nag-iba agad ang mukha ni Serene, tumaas pa ang boses. Pero agad siyang umiling, pilit dininedeny.“Anong Almeda? Tigilan mo yan! Ang daming Almeda dito sa Baguio City! Baka namalikmata ka lang!”Pinipilit niyang kumbinsihin si Zach, pero parang sarili niya rin ang kinukumbinsi niya.“Una, ano ba si Aera? Hi
Read more