CHAPTER 26: Chris POV Nandito ako ngayon sa isang madilim na kwarto, nakaupo at tanging isang ilaw lang ang nasa uluhan ko ang nagsisilbing liwanag. "Hoy! Chris, ano? Magkukwento ka o magkukwento ka?" Wala naman akong pagpipilian niyan. Ang totoo niyan nandito ako sa sala nakaupo sa harap nina Travis, Trivor, Ate Suzane, Clay at Courage. Yung parang nasa hotseat. "Oo na. Magkukwento na." Kinwento ko sa kanilang lahat mula nong naospital si nanay, sa di ko pagtake ng exam dahilan para mawala sa akin ang scholarship ko, sa pagkidnap kuno sa akin at sa pagpapakasal ko sa isang mafia boss. "Alam mo bang isang mafia boss si Courage?" Tumango ako sa tanong ni Trivor. "Ibig sabihin kasali ka na rin sa mafia?___Teka, nakasama ka na ba sa isang misyon? Ilan na ang napatay mo?" Travis. Kung makapagtanong parang baliwala lang sa kanila. Teka, pinsan nila si Courage na isang mafia boss. Ibig sabihin kasali din sila sa mafia ng pinamumunuan ni Courage. "Naman. Siya nga ang pumatay kina A
Last Updated : 2026-02-26 Read more