CHAPTER 10: "Oh! Chris, anong ginagawa mo dito? Diba day off mo ngayon?" Bungad sa akin ni Kuya Ricardo, security guard nitong pinapasukan kong coffee shop. Malaki ang pasasalamat ko sa may-ari ng coffee shop dahil hindi niya ako tinanggal matapos akong mag-absent ng tatlong araw. "Ah. Opo! May kakatagpuin lang po sana ako." Ako. "Babae ba yan? Sino girlfriend mo?" Napakatsismo naman tong si Kuya Ricardo. "Hi-hindi po. Kaibigan lang." Naglakad na ako papasok baka intregahin pa ako ni Kuya. Napatingin ako sa buong coffee shop. Sino naman kaya rito si Courage Hayes? Alam ko na, kapag may nakita akong babae na itim ang aura, siya na si Courage. Haha. "Chris, dito!" Sabi ni Heinz sabay kaway sa akin. Anong ginagawa niya dito? Lumapit ako sa table niya. "Anong ginagawa mo rito? Akala ko, yung boss mo ang makikipagkita sa akin." Naupo ako kabilang upuan na kaharap ng inuupuan niya. "Actually, kakaalis lang niya. May emergency kaya ako nalang ang pinahintay niya rito." Sabi niya s
Last Updated : 2026-02-12 Read more