LOGINI took my gun beside the table and playing it with my bear hands. I'm eager to kill the assh*le who is now kneeling in front of us but my dear brother said that he should suffer first before we gonna kill him. "Now assh*le, I'm going to ask you for the last time. Who ordered you to kill us?" My Brother said while he pointing his gun on the forehead of the assh*le. "I WILL NEVER ANSWER YOUR QUESTION EVEN IF YOU KILL ME." The assh*le shout right on the face of Clay, which cause Clay to get mad and give him a hard punch on the stomach. "Ouchie! If I we're you I'm gonna tell him who's behind of killing us before my dear husband get angry." Suzanne Medina the wife of Clay. "You don't know me when I'm angry." Clay get a dagger and slice the face of the assh*le. "ARRGGHHH!" The assh*le keep screaming everytime Clay slice every part of his body. I smile a devilished one. That's my dear brother wants. Torturing his prey. But I have a short temper. *BANG!* "Sharp shooter, baby." I'm pointing my gun to Suzanne. I don't want to call a baby. "Easy dear sister." She hang her two arms in the air. She surrender. "WHY DID YOU DO THAT?!" Anger is written all over the face of Clay as he turned to me. "Tss." The damaged has been than and we could do nothing to turn back the time. "Short tempered as always, my dear sister." He about to put his arm when I grab it and put it on his back. "Easy dear sister. I'm kidding." He said.
View MoreCHAPTER 1:
Papunta ako sa locker area ng pinagtatrabahuan kong fast foodchain dito sa may Colon Street para magpalit ng uniform ng may biglang tumawag sa akin. "Chris, mamaya ka na magbihis pinapatawag ka ni Big Boss sa taas. Bilisan mo umusok na ilong nun." Sabi ng katrabaho ko at lumabas ng locker area. "Sige, akyat na ako." Pahabol kong sabi. Ano na naman kayang kailangan ng matabang yun? Kinakabahan ako habang paakyat sa opisina ng Big Boss namin. Para kasing may mangyayaring hindi maganda. ... pero bago yun magpapakilala muna ako at para mawala tong kabang nararamdaman ko. Ako nga pala si CRISOSTOMO BALA CALIBRE. Oh! Wag niyo na akong pagtawanan. Alam kong kapanahunan pa ni Crisostomo Ibarra ang pangalan ko. Sisisihin niyo ang mga magulang ko kung bakit yan ang ipinangalan nila sa akin. Hehehe. Balik tayo, as I was saying my name is Crisostomo Bala Calibre. Chris for short. 20 years old. Nag-aaral sa umaga, nagtatrabaho sa gabi. Dalawa nalang kami ng nanay ko na magkasama sa buhay dahil wala na ang tatay ko. Pinatay siya ng walang kalaban-laban ng mga taong hindi namin kilala. Tama na nga! Baka magdrama pa ako rito. Di bagay sa akin. Magmumukha akong bakla. Oo nga pala, nandito na pala ako sa harap ng pinto ng opisina ni Big Boss. Knock knock knock Siyempre, may galang ako sa nakakataas sa akin. "Come in!" Rinig kong sabi mula sa loob kaya dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok. Nakita ko si Big Boss na busy sa pagbabasa ng mga papel na nakalat sa mesa niya. "Nandito ka na pala. Maupo ka." Sabi niya na hindi tumingin sa akin.Umupo ako sa harap na upuan ng mesa niya. "Ba-bakit niyo po ako pinatawag?" Ayan na naman, yung mauutal ako tuwing kinakabahan. Binaba muna ni Big Boss ang hawak niyang papel at tumingin sa akin. "Bumababa na ang sales natin dahil sa dami ng kakumpitensiya at dahil diyan magbabawas ako ng mga tao." Kinakabahan na ako kung saan patutungo ang usapan na to. "A-ano pong ibig niyong sabihin, Boss?" "You're fired, Calibre." Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. "Ba-bakit po ako?" Oo nga, bakit ako? Maayos naman ang pagtatrabaho ko, wala naman akong nagawang mali. "Bakit hindi? Sige na, lumayas ka na sa harapan ko. Marami pa akong gagawin." Ang lupit talaga nitong matandang to. Pagkatapos naming mag-usap ni Boss. Lumabas na ako ng opisina niya. Dumiretso ako sa locker area para kunin ang mga gamit ko. Paano na kami ngayon? Tanging dito ko kulang kinuha ang panggastos namin sa araw-araw at sa mga gamot ni nanay. Wala naman akong problema sa pag-aaral dahil scholar ako Frestine University. Umuwi na agad ako galing sa fast foodchain na pinagtatrabahuan ko DATI. "Ang aga mo ata ngayon, anak?" Sabi ni Nanay na naghahanda ng hapunan. "Nay, tinanggal po ako sa trabaho." Napayuko nalang ako dahil nahihiya ako sa nanay ko. "Hayaan muna yun anak, sigurado naman akong may mahahanap ka pang iba. Sa sobrang sipag mong yan." Niyakap ako ni nanay na siyang nagpagaan ng nararamdaman ko. "Halika na nga at kumain, niluto ko yung paborito mong sinigang na baka lalamig na yun." Kumalas si nanay sa pagkakayakap sa akin at hinila ako papunta sa hapag-kainan.EPILOGUE 1 Year Later Chris POV Minsan iniisip ko kung paanong nagbago ang buhay ko sa loob lamang ng isang taon. Parang kahapon lang nang mawalan ako ng trabaho. Nawalan ng scholarship. Nawalan ng nanay. Parang sunod-sunod na dagok na halos hindi ko na kinaya. Akala ko noon, iyon na ang katapusan ng lahat. Pero hindi pala. Sa gitna ng lahat ng sakit at pagkawala, dumating ang mga bagay na hindi ko inaasahan—mga bagay na tuluyang nagbago sa takbo ng buhay ko. Nakilala ko ang babaeng hindi ko akalaing magiging mundo ko. Nag-asawa ako ng isang mafia boss. Nalaman ko ang totoong nangyari kay tatay. Nag-training ako, natutong lumaban, at nakaharap ang mga taong akala ko'y hindi ko kailanman kayang tapatan. May mga taong nawala. May mga laban na kailangang tapusin. At sa huli, natapos din ang giyera. Pero sa lahat ng nangyari, may isang biyayang dumating na higit sa lahat. Ang pagdating ni Baby Yassy sa buhay namin. Isang taon na rin ang nakalipas mula nang matapos ang lah
Di napigilang umiyak ni Valerie dahil nasigawan siya ng Daddy niya. Nakarinig naman sila ng putok ng baril mula sa labas, nagkaroon ng pagkakataon si Salvatore ng makaalis sa kinatatayuan niya. Nakipagpalitan rin ng putok si Salvatore at ang mga tauhan niya sa mga tauhan ni Courage, pati na rin sina Heinz, Clay, Suzane, Travis at Chris. Si Trivor at ang iba pa nilang tauhan ay nakipagpalitan rin ng putok sa mga tauhan ni Salvatore sa mansyon. Nang napalibutan na nina Chris si Salvatore, binigyan ito ni Chris na pagkakataong sumuko pero hindi nakinig si Salvatore. "MAMAMATAY MUNA AKO BAGO SUMUKO SA INYO!" Matigas na sabi ni Salvatore atsaka pinaputukan ng baril si Chris pero biglang may sumalo ng bala na para sana kay Chris. "VALERIE!" Sigaw ni Chrirg ng makita niyang bumagsak na ito. Agad namang nakahanda ang mga kasamahan ni Chris para barilin din si Salvatore pero huli na. Binaril na ito ni Courage sa di kalayuan at bumagsak ito. Tinamaan kasi ito sa may puso. "O-okey ka la
Author's POV Judgment Room... Umandar na naman ang mapaglarong Clay habang hinihiwa niya si Diego sa braso habang na nakatali ang magkabilang kamay. May pagkabrutal din kasi tong si Clay at nasisiyahan siyang nakakita na umaagos na dugo. "TAMA NA! MAAWA NA KAYO!" Nagsisisigaw naman si Valerie sa gilid. Di na niya kasi kayang makita ang pinaggagawa ni Clay kay Diego, naging kaibigan din niya ito at naiisip niyang ginagawa din nila to sa kanyang kapatid. "Wag kang mag-alala di ko din naman papatagalin ang buhay nito." Sabi ni Clay na ngayon ay hinahanda na ang kanyang baril. Nagulat naman si Valerie sa sinabi ni Clay. Mas lalo siyang nagpupumiglas mula sa pagkakatali niya. Hindi niya gustong makita na may mamatay na kaibigan niya at sa kanyang harap pa mismo. "Any last word sa iyong pinakamamahal?" Nagulat naman si Valerie sa sinabi ni Clay at napatingin siya kay Diego na ngayon ay nakatingin na rin sa kanya. "Mahal na mahal kita, Val--." *BANG* Hindi na pinatapos ni Clay ang
Still Valerie’s POV “WELCOME TO THE JUDGMENT ROOM!” malakas na sigaw ng lalaki habang bumukas ang mabigat na pintuan sa harapan ko. Malamig ang hangin sa loob ng silid. Madilim, at ang ilaw ay nakatutok lamang sa gitna kung saan may isang metal na upuan na tila matagal nang ginagamit sa pagpapahirap ng mga bihag. Ang mga dingding ay puno ng gasgas, at may mga bakas ng dugo na hindi man lang tinangkang linisin. “Ang tagal din nating hindi nagamit ang kwartong ito,” sabi ng lalaki na tila aliw na aliw. “Sino nga ba yung huli nating pinarusahan dito?” Nilingon niya ang babaeng nakatayo sa gilid ng silid. Abala ito sa paglalaro ng dart. Walang emosyon ang mukha niya habang isa-isa niyang inihahagis ang mga matutulis na dart sa target na nakapako sa dingding. “Hmmm… sino nga ba?” sagot ng babae, tila nag-iisip pa habang paikot-ikot ang hawak na dart sa kanyang mga daliri. Napahawak ang lalaki sa kanyang baba na parang nagbabalik-tanaw sa nakaraan. Pagkatapos ay sabay silang nagsali
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.