Bago matulog, nag-shower muna si Chloe at inasikaso ang sarili. She dried her hair with the towel as she stood by the window. Tanaw niya ang bahay ng mga Ocampo sa hindi kalayuan, ngunit ito’y madilim, tila walang tao. Nagsimulang tumunog ang kanyang sikmura. Kailangan na niyang kumain, kung hindi ay sasakit na naman ang tiyan niya. Just then, a knock on the door stopped her from thinking.“Chloe, tulog ka na?”Her heart tightened. “Hindi pa. Bakit?”“Nagluto ako ng snacks. Baka gusto mong kumain.” Kahit kakainin naman niya kung ano ang inihain, nagtanong pa rin siya. “Anong snack naman ‘yan?”“I have pancit canton with egg, then congee with egg also.”Those were her favorite foods so far. Napapansin ni Chloe na sa tuwing nag-aaya si Rigo ng snack, laging mga paborito niya ang nakahain. “Hindi naman siguro gano’n. Ah, forget it, Chloe,” bulong niya sa sarili. Nagsuot muna ng jacket si Chloe bago lumabas ng kwarto. There was no Rigo in her sight, even in the kitchen or living room.
Read more