A familiar ache throbbed in Chloe’s heart. Sap paglipas ng panahon, tila hindi man lang naglalaho ang amoy ni Rigo sa kan’yang sistema. Ngayong magkaharap sila, tila may malawak na pagitan ang hindi nila magawang tawirin parehas. Isinuot ni Chloe ang white polo, saka lumabas ng silid.Nakaupo si Rigo sa sofa, bihis na at abala sa kanyang cellphone. “Puwede ko bang gamitin ang dryer mo?” tanong niya na siyang sinagot lamang ng tango ni Rigo.Matapos isalang ang basa niyang damit, agad pumunta siya sa dinner table.“Tapos ka na bang kumain?” “May natira pa riyan,” sagot ni Rigo na puno ng kawalang-bahala. Hinayaan lamang ni Chloe ito saka kumain mag-isa. Ngunit, sa bawat subo at lunok niya tila may kasamang pait ng nakaraan. Habang kumakain siya, ramdam niya ang presensya ni Rigo, pero sobrang magkalayo na ng kanilang mga puso. Ngayon lang napansin ni Chloe ang pagkaing inihanda—sinigang, at tomato and egg soup na gustong gusto niya. The portion is indeed small, enough for one pers
Last Updated : 2026-02-13 Read more