CHAPTER 26: CLUBTila binuhusan ng malamig na tubig si Yasmine sa nabasa saka siya napaupo ng tuwid sa kama.Magulo ang mahaba niyang buhok, nakalugay iyong at halos natatakpan ang buong mukha niya. Huminga siya nang malalim, ilang beses. Pagkatapos ay hinawi niya ang buhok niya saka marahas na napahilamos sa mukha niya para magising.Walanghiya si Chase, totoo 'yon. At sa totoo lang ay wala na siyang pakialam kung mabuhay man o mamatay ang hayop na 'yon. Bago pa niya isiwalat ang kwento ng Club ni Chase, si Chase at ang grupo niya ay sumira na ng hindi mabilang na buhay — kabataan, babae, lalaki, bata man o matanda, wala itong pinili. Ginahasa, binugbog, ginawang laruan, at kung ano ano pa.Ang ganyang tao, talagang dapat lang na mawala na sa mundong 'to.Pero ang problema...hindi niya maiwasang isipin kung ano ang ikinamatay nito. Kung aksidente ba o hindi. At kung hindi man aksidente, sino ang may pakana?Hindi niya tuloy mapigilang isipin ang sinabi ni Jack sa kanya kanina tungk
Read more