Tiningnan siya ni Christopher habang may makahulugang ngiti sa mga labi. "Ah, mukhang natatandaan mo pa naman pala, President Serano. Akala ko kasi ay dahil matagal na ito, tuluyan nang nakalimutan." "Ipinasuri ko ang ruby na 'to, at ang kalidad at kasaysayan nito ay tunay na priceless. Para lang makakuha ng pondo para sa proyekto mo, ganito ang ginawa ng iyong sekretarya. Isang napakalaking sakripisyo, Mr. Serano. Sigurado naman akong hindi mo siya binigo, 'di ba?" Doon pa lang, nagsimula nang manginig ang mga daliri ni Adrian. Ngayon niya lang naintindihan kung anong tunay na kahulugan ng mga panunumbat ni Zoe sa kanya noon, na hinding-hindi niya malalaman kung anong antas ng sakripisyo ang ginawa ni Lia para sa kanya. Oo, ang alam niya lang ay nagdala si Lia ng isang bilyon. Pero kailanman ay hindi sinabi ng utak niya na ang kalahati ng perang iyon ay nanggaling sa sakripisyo ni Lia ng sarili nitong kayamanan at alaal
Mehr lesen