Habang nakatitig sa matandang humahagulgol at basang-basa ang mukha sa luha, biglang gustong matawa ni Lia. Mukhang pare-pareho yata ng acting class ang pinagtapusan ng mag-inang ito. Noon, napakagaling umakto ni Adrian bilang mapagmahal na asawa, kaya hindi niya napansin ang mga patalim sa likod nito. Ngayon naman, ang ina nito ang may pa-ganap na mapagmahal at nagsisising biyenan. Isang sarkastikong ngisi ang pinakawalan ni Lia. “Tapos na ang dapat mangyari. Kaya pakiusap, Madam Serano, magtira ka naman ng kahit kaunting respeto sa sarili mo. Tungkol naman sa nangyari kahapon, napakalaking pinsala ang idinulot nun sa’kin at sa mga anak ko. Hindi iyon kayang burahin ng isang simpleng sorry mo lang. Ang abogado ko nalang ang kausapin niyo. Kung wala na kayong ibang sasabihin, lumayas na kayo. Huwag niyo na akong subukan, baka hindi ko lang magustuhan ang susunod kong gagawin!”
Read more